Sef Cadayona, pinataob ang mga bigating komedyante

Sef Cadayona, pinataob ang mga bigating komedyante

Sef-CadayonaSI SEF Cadeyona ang tinanghal na best comedy actor ng 28th Star Awards for TV. Marami siyang pinataob na mga mahuhusay na comedy actor at siya mismo ay nagulat. Naiyak siya nang sobra nang tanggapin ang tropeo.

At ayon nga sa kanya, sobra ang tuwa ng bumubuo ng Bubble Gang sa kanyang pagkapanalo. Maging si Vic Sotto ay kinongratyuleyt si Sef.

At ang balita, si Sef ay hinuhulmang maging isang malaking komedyante ng GMA 7. Hindi kaya kainsikyuran siya ng ibang artista ng Kapuso?

 

Francis-MagundayaoFrancis Magundayao, may potensyal na maging big star

 

SANA LANG bigyan ng pansin ng Star magic ang mga young actor na sina Francis Magundayao dahil kitang-kita ang promise na magiging malaking artista.

Bida na nga siya sa maindie na “Sarangheo” na ipalalabas na sa January 21.

Dito ay makakasama niya sina Barbie Forteza at Elisse Joson na isa ring taga-Star Magic.

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!