Sef Cadayona, pinagdududahan ang kakayahang mag-judge sa reality comedy search show sa Siyete

Sef Cadayona, pinagdududahan ang kakayahang mag-judge sa reality comedy search show sa Siyete

Sef Cadayona
Sef Cadayona

Isa ang Kapuso prime comedian na si Sef Cadayona sa magiging hurado ng pinakabagong reality comedy search ng Kapuso Network, kung saan magtatagisan sa galing sa pagpapatawa ang mga napiling komedyano at komedyana na nagmula sa iba’t ibang comedy bars at iba’t ibang sulok ng bansa.
At kahit nga may nga taong hindi kumbinsido sa pagiging hurado nit at bina-bash si Sef Cadayona, dahil na rin daw sa masyadong bata pa ito ay hindi naman matatawaran ang naging achievements nito bilang komedyano, kaya naman swak na swak siya para maging judge.
Maaalalang minsang nang nagwagi bilang Best Supporting Actor in a Comedy Role si Sef sa ENPRESS Golden TV Awards at Best Comedy Actor naman sa Philippine Movie Press Club Star Awards for Television.
Maraming beses na rin namang nagbida ito sa mga shows ng GMA 7 like “Juan Tamad” at isa rin sa pambatong komedyante ng longest running gag show sa bansa na “Bubble Gang”.
Hindi na nga lang daw pinapansin ni Sef ang mga taong hindi sang-ayon na maging hurado siya. Bagkus ay tinitingnan na lang nito ang mga taong masaya para sa kanya dahil napasama siyang hurado sa nasabing show, kung saan magsisilbing host sina Sheena Halili at Betong Sumaya.

John’s Point
by John Fontanilla