Sef Cadayona, nagagawa nang matulog nang tama at makapamasyal

ADVERTISING

Sef Cadayona, nagagawa nang matulog nang tama at makapamasyal

Sef Cadayona
Sef Cadayona

After ng sunud-sunod na trabaho sa Kapuso Network, nakapagpapahinga na ngayon si Sef Cadayona.
Tanging “Bubble Gang” na lang daw at semi-regular sa “Vampire Ang Daddy Ko” ang natitirang show ng award-winning comedy actor, kaya naman daw nagagawa na nitong matulog nang tama at makapamasyal sa ngayon.
Medyo nanibago lang daw si Sef dahil nasanay ito na after ng isang taping ay dumidiretso siya sa susunod na taping noong halos apat ang kanyang regular shows.
Waiting nga lang daw si Sef kung ano ang bagong trabahong ibibigay sa kanya ng GMA Network ngayong taon.

ADVERTISING
Generation 6
Generation 6

First leg ng Star Mall Tour ng Generation 6, dinumog ng libu-libong tao

NAGING MATAGUMPAY ang unang leg ng mall tour ng isa sa hottest dance group sa bansa, ang Generation 6, na ginanap sa Star Mall Edsa last April 9, entitled “Generation 6 and Co. Hatawan sa Tag-Araw” na hatid ng Ysa Skin and Body Experts, Olive C, New Placenta, at Aura Soap, hosted by DZBB 594 anchor Johna Chu Chu.
Sobrang saya ng buong grupo ng Gen 6 na kinabibilangan nina Moja Frial, Mico Delos Reyes, Kevin Andrew, Mark Gonzales, Carl Justine Cahile, at JB Paguio sa dami ng kanilang mga tagahanga na pumunta at nakisayaw sa kanila.
Naging espesyal na panauhin ng Gen 6 ang mga bago at freshest dance group sa bansa na X3M na kinabibilangan nina Juancho Ponce, Ericson Suratos, Zoren Jickain, RG Aquino, at Ron McLean, at ang Maximum Movers na kinabibilangan nina Mark, Edward, Noel, Hasanal, at RJ.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING
ADVERTISING