Sef Cadayona, lima ang regular shows sa Siyete

Sef Cadayona, lima ang regular shows sa Siyete

Sef-CadayonaHINDI RAW iniinda ni Sef Cadayona ang pagod at puyat sa dami ng trabahong kanyang ginagawa sa ngayon.
Araw-araw raw ay may taping si Sef, dahil sa pagkakaroon nito ng limang regular TV shows (Sunday All Stars, Vampire Ang Daddy Ko, Manny Pacquaio Sports Science, Bubble Gang, at Sabada Badoo). Bukod pa ang mall shows at out of town shows.
Kuwento nga nito, “Blessings ‘yan, kaya dapat hindi ka mag-reklamo. Bihira lang ‘yung ganyang suwerte sa ‘yo, kaya dapat maging thankful ka.

“Ang tagal ko rin ‘yang hinintay, ang magkaroon ng maraming shows. Biruin mo, lima ‘yung regular shows ko. Ang saya, ‘di ba? Kaya kahit halos ‘di na ako natutulog, okey lang. Kasi gusto ko ‘yung ginagawa ko at nag-e-enjoy ako.
“Minsan nga sa sasakyan na ako nakatutulog, dahil after ng isang taping ko, tuhog na sa isa pang taping at du’n na ako nakikiligo. Hahaha! Natutulog na lang ako sa set, kapag ‘di pa ako ang kukunan.
“Kaya nga nagpapasalamat ako sa GMA dahil sa dami ng trabahong ibinibigay nila sa akin. Nagpapasalamat ako sa tiwala nila sa akin. Kaya naman ginagalingan ko ang trabaho ko para pasasalamat na rin sa kanila,” pagtatapos ni Sef.

John’s Point
by John Fontanilla