Sef Cadayona, ‘di naniniwalang habulin ng mga babae ang isang komedyante

Sef Cadayona, ‘di naniniwalang habulin ng mga babae ang isang komedyante

Sef-CadayonaHINDI NAMAN itinanggi ni Sef Cadayona na hanggang ngayon, nagkukulitan pa rin sila ni Andrea Torres sa taping ng Bubble Gang, pero hanggang doon lang daw ang kulitan nila.

Si Andrea lang daw ang tumagal na na-link sa kanya at ang seksing actress din daw ang nagpatino sa kanya.

“Yes, close kami ni Andrea. Pero walang katotohanan na kami na ngayon. Ayoko naman na samantalahin ang pagkakaibigan namin. Hindi maganda ‘yung maganda ninyong samahan ay papasukan mo ng panliligaw,” say ni Sef.

16 years old nang una raw magkaroon ng girlfriend si Sef at ngayong 26 years old na siya, wala pa raw siyang karelasyon.

If ever na mag-aasawa raw siya, gusto niyang magkaroon ng maraming anak dahil nag-iisang anak lang siya.

“Ayaw kong maging malungkot ang buhay ng magiging anak ko. Malungkot ang mag-isang anak. Kaya gusto ko ng maraming anak. Mga lima hanggang walong anak ang gusto ko,” say pa ni Sef.

When asked kung naniniwala siya na ang isang komedyante ay lapitin ng babae?

“Hindi naman po. Maraming napapasaya at napapatawa. Napagkakamalan lang siguro kasi kadalasan na kausap ng isang komedyante ay babae.”

Samantalang aside sa Bubble Gang na ginagawa niyang pagpapatawa, sila ni Betong Sumaya ay magkasama na magpapatawa naman sa bagong TV show na Sabado-Badoo na magsisimula sa March 14 sa GMA 7.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo