WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET: Paolo Ballesteros, walang planong gayahin si Mark Bautista

ADVERTISING

WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET: Paolo Ballesteros, walang planong gayahin si Mark Bautista

WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET: Paolo Ballesteros, walang planong gayahin si Mark Bautista
Paolo Ballesteros

OPEN si Paolo Ballesteros tungkol sa kanyang pagiging beki or bading na isa sa mga traits na gusto ko sa kanya.

ADVERTISING

Beking-beki kapag sinasagot niya ang tungkol sa buhay bading na kadalasan ay hinahaluan niya ng kakatawanaan.

Very komedyante si Pao na keri niya lusutan ang ang tanong na medyo delicate tungkol sa “personal” life niya, lalo na ang tungkol sa past love niya na for the first time ay openly ibinahagi niya sa mga supporters niya ang kanyang lovelife na ngayon ay nagtapos na.

During the grand presscon of his film “Amnesia Love” na palabas na sa February 28, na pinagbibidahan niya together with Yam Concepcion recently, natawa siya nang uriratin ng media ang tungkol sa ka-partner niya na akala nga ng marami ay magkakaroon ng happy ending lalo pa’t for the first time ay nag-out siya to share his lovelife with a male partner.

ADVERTISING

Pwede kaya na tulad ni Mark Bautista ay magsulat din siya ng libro na tell-all?

Pero kung sakali magkaroon ng pagkakataon for Pao to write a book, mas gugustuhin niya magkaroon ng libro about his talent as a make-up artist.

WHAT YOU SEE IS WHAT YOU GET: Paolo Ballesteros, walang planong gayahin si Mark Bautista
Yam Concepcion and Paolo Ballesteros

Pahayag niya: “Actually, ang gusto kong gawin before pa is yung compilation ng mga makeup transformations ko. Kaya lang, wala pa akong makitang time.

“Gusto ko, ako lahat ang gagawa, ako ang magpi-picture, uulit ka sa lahat.

Kung sakali, gusto ni Paolo na siya ang gagawa ng pagme-make-up sa sarili at pati pagpi-pictorial. He needs more time if ever .”Medyo busy kaya naurong,” pagku-kuwento niya.

Paniwala ni Paolo, no need form him para magkaroon ng confession pa about him as a gay. “Kailangan pa ba na i-reveal?” tanong niya.

Dagdag ni Paolo: “Ako kasi, lalo kaming mga Dabarkads, araw-araw n’yo kami na napapanood sa TV na most of the time, yung araw namin, nasa TV lang. Kumbaga, kung ano ang nakikita nyo, yun na yon.”pahayag ng aktor.

Reyted K
By RK Villacorta

ADVERTISING