Security nina Nadine Lustre at James Reid sa public appearances, hinigpitan ng kanilang management agency

ADVERTISING

Security nina Nadine Lustre at James Reid sa public appearances, hinigpitan ng kanilang management agency

James Reid & Nadine Lustre
James Reid & Nadine Lustre

Sa presscon ng libro nina James Reid at Nadine Lustre titled “Team Real” ay nagulat si Nadine nang malaman na may death threats palang natatanggap ang Viva Artists Agency kaya medyo hinigpitan nang konti ang kanilang seguridad ni James Reid kapag meron silang public appearances gaya ng launching ng libro sa Market Market na ginanap last Sunday.

ADVERTISING

“Well, feeling ko naman po, nag-start ‘yun dahil nga kay Christina Grimmie (ang American singer na binaril kamakailan pagkatapos ng kanyang concert sa Orlando), first time ever na harap-harapan talagang (binaril).
“Kasi, from what I heard, parang fan ‘yung… sa autograph signing, tapos bigla na lang siyang pinaputukan. So, parang feeling ko, nag-start lahat du’n nu’ng time na ‘yun,” sey ni Nadine Lustre.
Inamin ng singer-actress na medyo naalarma rin sila ni James dahil sa nangyari.

“Siyempre, natatakot po, pero ingat-ingat na lang po,” sabi pa ulit niya.

Samantala, almost 100,000 na agad ang nabentang kopya ng Team Real book na available na sa National Bookstore.

ADVERTISING

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING