Sean de Guzman, kinaiinggitan dahil sa lampungan kina AJ Raval, Gela Cuenca at Angeli Khang

TRENDING at numero uno ngayon sa Vivamax ang erotic-thriller film na ‘Taya‘. Directed by Roman Perez Jr. na humawak din sa sexy lesbian film na ‘Adan’ at upcoming Philippine adaptation ng award-winning erotic-thriller ng South Korea na ‘The Housemaid’, may expectations na kami sa pupuntahan ng pelikulang ito.

Sean de Guzman, kinaiinggitan dahil sa lampungan kina AJ Raval, Gela Cuenca at Angeli Khang
‘TAYA’ stars Sean de Guzman, Gela Cuanca, Angeli Khang and AJ Raval

Kung isa kang barako na nakakamiss sa old-school action films na hitik din sa romansahan at magagandang babae, para sa’yo ang pelikulang ito. Hindi lang kasi si AJ Raval ang tumodo sa paghuhubad at pakikipaglampungan. Maging ang mga upcoming Viva sexy stars na sina Gela Cuenca at Angeli Khang ay palaban din sa pagpapakita ng laman.

S’yempre, hindi rin naman nagpahuli ang lalaking kinaiinggitan ng lahat ngayon na si Sean de Guzman dahil may mga eksena ito na nagpapantasya at nagpakita pa rin ito ng kanyang behind. May mga eksenang ‘nagsariling-sikap’ rin ito.

Kahit na sa ‘Ang Anak ng Macho Dancer’ unang nakilala si Sean de Guzman, ang pelikulang ‘Taya’ ang nagpakita na malaki ang potensyal niya bilang isang character actor at maiiwasan na rin niya na ma-typecast sa gay roles. Pero s’yempre, depende pa rin ‘yan sa career path na gusto niyang tahakin.

Dito sa ‘Taya’ talagang tumodo sina AJ at Sean sa kanilang lovemaking. Hindi na tuloy namin magamit ang peanut butter sa aming tinapay! He-he-he! Kung magdecide man ang Viva na bigyan ng less bold film ang dalawa ay papanoorin pa rin namin.

 

Dahil sa Vivamax, tila bumabalik talaga ang mga sexy films na kinagiliwan noong kasagsagan ng ST o Sex Trip at action films noong 90’s. Dahil walang censorship sa digital ay mas nagiging matapang ang mga katulad ni Direk Roman Perez Jr. sa pagpapakita ng mga sexy at bayolenteng mga eksena. Maganda rin ang pagkakasulat ng screenplay although may mga parte kami na halos masuka kami sa pagkadiri.

Maliban sa one-on-one love scenes ni Sean kina AJ, Gela at Angeli, may parte pa rito na nagpantasya ito na kasama niya sa iisang kama ang tatlong bebot. Huwaw. How to be you daw po, tanong ng mga barako? Ha-ha-ha!

Anyway, kahit na ang pagpapakita ng laman naman talaga ang bentahe ng pelikulang ito, sana ay huwag gayahin ng mga manonood ang bida rito. Huwag kayong tataya sa mga illegal na bagay para hindi kayo mapahamak o matsugi. ‘Yun na!