SEALED WITH A KISS: Jane Oineza at RK Bagatsing, dinaan sa sayaw ang kumpirmasyon ng relasyon

IT’S OFFICIAL: Magdyowa na ang onscreen partners turned real-life lovers na sina RK Bagatsing at Jane Oineza!

Ito ang nakakatuwang kumpirmasyon na ginawa ng newest couple in town sa pamamagitan ng isang Tiktok update, kung saan bago sumayaw with choreography ang dalawa ay nagkiss muna ang mga ito. Yes, sa lips! Sealed with a Kiss!

SEALED WITH A KISS: Jane Oineza at RK Bagatsing, dinaan sa sayaw ang kumpirmasyon ng relasyon
Jane Oineza and RK Bagatsing

Walang ongoing TV or movie project ngayon ang RKANE (pangalan sa fandom ng tambalan nila), kaya marami ang nagdududa na this year ay napapadalas ang pagsasama nila.

Unang nagkasama sa Precious Hearts Romances presents Araw Gabi. Kung tama an gaming pagkakaalala, in a longtime relationship pa noon si RK sa isang non-showbiz girl, habang si Jane naman ay committed sa ex-PBB housemate na si Kyle Secades.

Bago magpandemya ay nabigyan ng pagkakataon sina RK at Jane na magbida sa romantic drama film ng Regal Entertainment Inc. na ‘Us Again’, na ngayon ay available na sa Netflix. Marami ang nakapansin na hindi lang basta magagaling na artista ang dalawa: Iba rin ang kanilang onscreen chemistry.

Dahil na rin siguro rito kaya sila ang napiling magbida sa ‘I GOT YOU’, isang weekly drama series na ipinalabas sa TV5 noong 2020 kung saan kasama rin nila si Beauty Gonzales. Suspetsa ng ilan, sa lock-in taping ng nasabing programa nagkadebelopan ang dalawa.

SEALED WITH A KISS: Jane Oineza at RK Bagatsing, dinaan sa sayaw ang kumpirmasyon ng relasyon
Jane Oineza and RK Bagatsing in ‘Us Again’

As early as February ay may mga nagsasabing magkasamang nagbakasyon sa isang resort sa Batangas ang dalawa. May mga sightings din sa RKane kahit na sa pagkakaalam namin ay wala silang proyekto ngayon sa TV man o pelikula.

Well, love is in the air! Happy kami para kina RK at Jane at sa nakikita namin ay tila very chill lang ang kanilang relasyon. Kiss and Dance your love away, RKane!