SCQ graduate Joseph Bitangcol, balik-showbiz!

ADVERTISING

SCQ graduate Joseph Bitangcol, balik-showbiz!

SCQ graduate Joseph Bitangcol, balik-showbiz!
Joseph with wife Chesca and 9 months old daughter

KUMUSTA na kaya si Joseph Bitangcol? Siya ‘yung ka-loveteam and ex-boyfriend ni Sandara Park na naging malakas din ang hatak sa fans bago pa naging parte ng sikat na KPOP group na 2NE1 ang dalaga.

Ayos na ayos ang estado ng buhay ngayon ni Joseph. Mas guwapo pa nga ito ngayon dahil mas malaman na ang pangangatawan. Na-meet naming muli siya sa Welcome Home Dinner party na ang host ay si kaibigang Ogie Diaz last Sunday sa kanyang haybols.

Ngayon, Joseph is married to a nursing student feom UP Manila named Chesca Tonso Po na nasa fourth year na.

 Ikinasal sila ni Chesca sa isang Christian wedding noong July 30 last year at mayroon na silang isang 9 months old daughter.

ADVERTISING

After na mawala sa showbiz si Joseph, kung anu-ano ang mga “karaketan” niya na ayon sa kaibigang Rommel Placente na isa sa mga malalapit na entertainment reporter sa aktor. Malakas din si Joseph sa mga provincial shows like fiestas at mga personal appearances.

Kung regular viewer ka ng mga teleserye sa Kapamilya Netwok, last December 2016 ay nag-guest siya sa FPJ’s Ang Probinsiyano na ang role niya ay kabilang sa mga bad cop naka-grupo nina Joaquin played by Arjo Atayde.

“Yun ang last TV appearance ko,” kuwento ni Joseph sa amin.

Mula sa FPJ’s  Ang Probinsiyano, bumalik muli ang hilig at interes ni Joseph sap ag-arte. ” Kung may offer for a role at okey naman, pwede ako,” sabi niya.

 While waiting for his next acting project ay tumutulong si Joseph ngayon sa kanyang ina na noong active pa sa showbiz ang binata ay negosyo na ito ng ina. Through word of mouth ay nalaman ko na masarap ang pork barbeque na binebenta ng pamilya nila.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING