A Scary but Sexy HorrorFest to Remember!

ADVERTISING

A Scary but Sexy HorrorFest to Remember!

Krista-Miller Michelle-Madrigal Regine-Angeles Solenn-HeussaffFAN KA ba ng Pinoy horror films? Kung oo ang iyong sagot, matutuwa ka sa line-up ng Film Development Council of the Philippines o FDCP dahil apat na pelikulang katatakutan ang bubulaga sa inyo sa SM cinemas nationwide sa darating na October 29-November 4.
Ang mga pelikulang Bacao, Sigaw sa Hatinggabi, Hukluban at T’yanaks ang mga pelikulang tampok sa FDCP Horror Film Festival. Maliban sa mga kahindik-hindik na tema, hindi maipagkakaila na ang bawat pelikula ay may seksing bebot na hindi lang mananakot – mang-aakit pa!
Kilalanin na natin ang mga dalagang lalong magpapatayo ng balahibo ninyo ngayong halloween break!

MICHELLE MADRIGAL for Bacao
Sampung taon na sa showbiz si Michelle, pero ngayon pa lang siya nagbida sa isang pelikula. Matagal nang pinag-uusapan ang supposedly launching movie niya under the direction of Zoren Legaspi at si JC de Vera raw dapat ang leading man niya, pero hindi ito natuloy. Bakit nga ba?
Si Michelle Madrigal ang bida sa Bacao, na base sa trailer ay isang sexy-thriller film na kinunan sa Isabela. Kasama niya rito ang indie acor na si Arnold Reyes under the direction of Boy Viranao.

REGINE ANGELES for Sigaw ng Hatinggabi
Very dark ang trailer ng Sigaw ng Hatinggabi ni Romy V. Suzara, pero litaw na litaw ang porselanang balat ni Regine Angeles. Hindi na gaanong active sa showbiz ang sexy actress na ito at hindi rin ito masyadong pumapatol sa mga showbiz chismis. Paminsan-minsan ay lumilitaw pa rin ito sa ABS-CBN at TV5 playing character roles. Baka ito na ang break na hinihintay niya.

KRISTA MILLER for Hukluban
Award-winning director may have seen something special in Krista Miller kaya niya ito kinuha sa pelikulang Hukluban. Kontrobersyal ang dalaga dahil sa pagkakasangkot niya sa isang love triangle issue a few years back. This year alone ay lumabas siya sa Rhodora X at bigla na namang umingay ang pangalan niya dahil sa isa na namang issue. She plays a role of a seductress spanning three generations. Interesting concept.

ADVERTISING

SOLENN HEUSSAFF FOR T’YANAKS
Last but not the least ay ang IT GIRL na si Solenn Heussaff. Reunited sila ng Seduction director na si Peque Gallaga na ngayo’y balik team-up with Lore Reyes para sa remake ng T’yanaks. Kasali sa pelikula sina Tom Rodriguez, Sid Lucero at Judy Ann Santos. Puring-puri ng Teleserye Queen si Solenn dahil walang kiyeme raw ito sa mga eksena niya. Well, Solenn is a favorite of ours noon pa man dahil sa kanyang kabaitan at professionalism.

Mga Kaparazzi, sino kina Michelle, Regine, Krista, at Solenn ang type ninyong makasamang manood ng sine ngayong Halloween? RAWR!
P’wede ninyong mapanood ang trailer ng apat na pelikula sa http://www.pinoyindiefilms.blogspot.com

Showbiz Blogster
by Mica Rodriguez
Pinoy Fans Club

ADVERTISING