SB19 kauna-unahang Filipino at Southeast Asian Act na nominado sa Billboard Music Awards

SA WAKAS, meron na rin Southeast Asian act na napansin ng Billboard Music Awards! At hindi lang basta taga-Southeast Asia, ha? Pinoy ang mga ito!

Nakakaproud na ang talented Pinoy Pop Group na SB19 ang napili bilang isa sa limang nominado para sa Top Social Artist na mismong mga fans ang may power na manalo ang kanilang idols. Added bonus pa na ang Top celebrity influencer and MTV Star na si Bretman Rock pa ang nagpresenta ng mga nominado sa The List YouTube Livestream na ginanap.

SB19 kauna-unahang Filipino at Southeast Asian Act na nominado sa Billboard Music Awards
SB19

Kalaban lang naman ng SB19 ang mga international favorites na sina Ariana Grande, Blackpink, Seventeen at ang biggest boyband sa mundo ngayon na BTS.

The fact na kahilera nina Justin, Stell, Josh, Ken at Pablo (formerly Sejun) ang mga nabanggit na award-winning artists ay super big deal na. This is something our country must be proud of! Sa tingin namin, kahit ang mga Pinoy ARMY (BTS), CARAT (Seventeen), BLINKS (Blackpink) and Arianators (Ariana Grande) ay proud na isang grupo mula sa Pilipinas ay nominado rin. Leveling na talaga ang mga A’TIN!

Sa mga hindi pa nakakakilala sa SB19, maganda siguro na panoorin ninyo ang trending music video ng grupo para sa kantang ‘WHAT?’ na kahit international fans ay na-impress sa galing ng mga miyembro.

Ang botohan para sa Top Social Artist ay mag-uumpisa sa May 10, 2021. Magaganap naman ang awards night sa May 23 ng 8PM sa Microsoft Theater sa Los Angeles.

Any chance na mabigyan ng pagkakataon ang SB19 na makapag-perform sa awards night? Kayang-kaya nila itong gawin virtually na siguradong isa o dalawa sa mga kapwa nila nominado ay magpapakitang-gilas.

Ibabahagi namin dito sa Pinoy Parazzi ang paraan kung paano tayo makakatulong sa SB19 at A’TIN kapag makuha na natin ang official rules and regulations.

Muli, congratulations SB19!