SB19 big winner sa Myx Music Awards 2021

Leo Bukas

HUMAKOT ng awards ang P-Pop group na SB19 sa katatapos lang na Myx Music Awards 2021. Apat na tropeo na trophies ang kannilan naiuwi including the Artist of the Year Award.

Nakalaban nila sa naturang category ang Ben&Ben, Moira dela Torre, Nadine Lustre at ang girl group na MNL48.

SB19 big winner sa Myx Music Awards 2021
SB19

Ang SB19 din ang nakakuha ng Song of the Year trophy para sa kanta nilang “Alab”. At bukod nga rito, sila din ang nakasungkit ng Music Video of the Year para sa hit song nilang “Alab.”

Nanalo rin sa virtual awards night ng Myx ang SB19 bilang Kumu Audience Choice.

Ayon sa SB19 member na si Josh, “Big deal ito. Isa ito sa pinapangarap naming award na matanggap before. At alam po namin yung ibang nominated ay super effort din ang ginagawa para sa music nila.

“Hindi po namin ito magagawa ng kami lang. Nandyan po yung mga sumusuporta sa amin, mga fans, A’Tin, syempre.”

Dalawang award naman ang napanalunan ng Ben&Ben — ang Mellow Video of the Year para sa “Sa Susunod Na Habang Buhay” at Collaboration of the Year para naman sa “Paalam” kasama si Moira.

Wagi rin ang anak ni Sen. Manny Pacquiao na si Michael Pacquiao ng R&B/Hip-Hop Video of the Year award para sa kanta niyang “Love”.

Narito ang kumpletong listahan ng mga winners:

Artist of the Year: SB19

Song of the Year: “Alab” – SB19

Music Video of the Year: “Alab” — SB19

New Artist of the Year: Matthaios

Rock Video of the Year: “Lakas” – COLN ft. Dale Jairus

R&B/Hip-Hop Video of the Year: “Love” – Michael Pacquiao

Mellow Video of the Year: “Sa Susunod Collaboration of the Year: “Paalam” – Moira Dela Torre and Ben&Ben

International Video of the Year: “Dynamite” – BTS

Kumu Streamer of the Year: Jex de Castro

Special Awards:

MYX Magna Award — Asin

Global achievement Award — Olivia Rodrigo

Kumu Audience Choice — SB19