Sarah Lahbati umaasa sa church wedding nila ni Richard Gutierrez

Leo Bukas
HOPING si Sarah Lahbati na matutuloy pa rin ang church wedding nila ni Richard Gutierrez kapag wala na ang COVID-19. Nakaplano na sana ang church wedding ng dalawa last year, pero dahil sa health crisis at paghihigpit para hindi  kumalat ang virus ay isang intimate civil wedding ceremony lang ang ginanap noong March 14, 2020.

Sarah Lahbati umaasa sa church wedding nila ni Richard Gutierrez
Sarah Lahbati

“Meron pa rin. Sayang yung wedding dresses ko… So, yes, we still want to have a big celebration,” natatawang lahad ni Sarah sa planong church wedding.

Dugtong niya, “We wanna celebrate with our families, our extended families, our friends. Hindi namin yon nagawa, so hopefully one day pag nawala na itong pandemic, magawa na namin yon.”

Nakausap namin si Sarah Lahbati sa virtual media conference kaugnay ng pagre-renew niya ng kontrata sa Viva Artist Agency (VAA) nitong Biyernes, March 26, 2021.

Bakit nga ba tinuloy pa rin nila ang civil wedding last year despite of the pandemic?

Sarah Lahbati umaasa sa church wedding nila ni Richard Gutierrez
Sarah Lahbati and Richard Gutierrez

“We decided to do the civil wedding kasi with everything that’s going on, ano ba talaga yung real reason kung bakit tayo magpapakasal, which is our love for each other and our commitment for each other. We’re not doing it for the amount of people that are going there. We’re doing it for you and for me.

“So we decided to last-minute plan everything and change of plans talaga. With all the uncertainties that were happening, parang we were just focused on making the civil wedding happen. Thank God, it did,” kuwento ni Sarah.
Hindi naman binanggit ng misis ni Richard kung kelan ang target date nila para sa church wedding.  Abangan na lang daw ito.