Sarah Lahbati, tuluy-tuloy na ang pagpapa-sexy!

ADVERTISING

Sarah Lahbati, tuluy-tuloy na ang pagpapa-sexy!

Sarah Lahbati, tuluy-tuloy na ang pagpapa-sexy!

ADVERTISING

MASUWERTENG MATATAWAG ang Starstruck Alumni na si Sarah Lahbati dahil after magtapos ng kanyang top-rating show na Kokak, may kasunod na kaagad ito na mapapanood naman sa primetime, ang Rancho Paradiso, kung saan ay isa si Sarah sa magiging leading lady ni Richard Gu-tierrez.

At kung daring daw si Sarah sa Kokak, mas doble ang pagiging daring nito sa Rancho Paradiso. Wala naman daw kasing problema kay Sarah sa pagpapa-sexy sa TV o pelikula, basta kinakailangan para mapaganda ang kanyang ginagawang proyekto.

Kaya raw ni Sarah ang pagpapa-sexy sa pananamit at kissing scene, di lang daw nito kaya ang pagtatalop o pagpapakita ng hubad na katawan dahil masyadong maaga pa raw at bata pa siya. At kahit nga raw nagpapaka-daring siya sa kanyang mga proyekto, mas gusto niyang mapansin ng mga manonood ang kanyang kakayahan sa pag-arte.

ADVERTISING

 

KAHIT MAY anak na, tanggap na tanggap daw ng family ni Bianca King ang BF nitong si Dennis Trillo na ayon sa magandang lead actress ng top ra-ting na Broken Vow, maganda raw ang relasyon ni Dennis sa kanyang partidos.

Kung dati-rati ay medyo kimi pa ito sa pagkukuwento ng mga bagay-bagay tungkol sa kanilang relasyon ni Dennis, ngayon ay very vocal ito sa pagsasabing bahagi ng buhay niya ang magaling na aktor at alam niyang bahagi rin siya ng buhay ni Dennis.

Very honest ding sinabi ni Bianca na palagi silang lumalabas at nagdi-date ni Dennis kapag may open time sila, at ito nga raw ang kasama niya ng kanyang birthday last March 18. Happy raw siya sa piling ni Dennis na siyang nagpapasaya at nagbibigay-inspirasyon sa kanya araw-araw.

 

HANGGANG NGAYON, zero pa rin ang lovelife ng isa sa cast ng My Beloved na si Alden Richards na minsan na ring na-link kina Louise Delos Reyes at Sam Pinto, pero ni isa sa mga ito ay walang nakatuluyan si Alden.

Paliwanag ni Alden, mas gusto raw kasi niyang bigyan ng oras ang kanyang papagandang takbo ng career kaysa tutukan ang kanyang buhay pag-ibig .Sayang naman daw ang dami ng blessings na dumarating sa kanya kung pagtutuunan ng pansin ang paggi-girlfriend.

May right time naman daw para roon. Pero sa ngayon daw, mas gusto nitong unahin muna ang trabaho. Kung saan ngayong 2012 ay handang-handa nang magpaka-daring si Alden sa pagtanggap ng trabaho at tumanggap ng mature roles.

Sarah Lahbati, tuluy-tuloy na ang pagpapa-sexy!

BLIND ITEM: Sino itong sikat na businessman/actor na dati nang napapabalitang bading pero walang nakapagpapatunay, pero ibinuko ng isang masahista na tunay palang kloseta at pilit na pilit lang ang pagiging lalaki?

Tsika nga ng guwapo at matipunong masahista na hindi niya inakalang berde pala ang dugo ng hinahangaan pa naman nitong aktor. Laking gulat nga raw nito nang i-book siya ng kanyang pinagtatrabahuhang masahenan sa nasabing aktor.

Dagdag pa nito na trip daw ni actor/ businessman na habang naka-brief siya at nasa harap ng nasabing aktor ay nagma-macho dancing siya. Mas nagulat daw ito nang biglang may pumasok na bayarang babae na naka-panty lang at inutusan silang mag-sex dalawa habang nanonood siya at nagsasarili.

Pero may pakiusap daw si aktor/businessman na kapag lalabasan na ang masahista ay sa dibdib niya ito ipuputok at ikakalat sa buo niyang katawan habang umuungol ito na animo’y sarap na sarap.

John’s Point
by John Fontanilla

ADVERTISING