Sarah Lahbati, tatanggalan na ng korona si Marian Rivera!

BLIND ITEM: ISANG nakakalokang tsika ang nasagap namin kamakailan lang. Yes, latest ito dahil nga kilalang-kilala ang ating bida. At ang bida natin ay isang kilalang gay at mayamang negosyante. Ayon nga sa tsika, madalas palang uma-attend itong si Gay na negosyante sa mga swimming party na ang mga bisita ay exclusive lamang sa mga basketbolista.

Ang nakakalokah, sobra nga raw ang ingay ng party na ‘yon kung kaya naman hindi nakakaiwas sa eskandalo ang ating bida.

Nandiyan na ireklamo ng mga kapitbahay ang party na ‘yon sa sobrang ingay. Sigawan dito, lundagan sa pool, at nandiyang may naghuhubo’t hubad pa na ilang basketball player.

Buti na lang at kilala ang ating bida kaya naman napapatawad ng mga homeowners ang ini-reriklamong kaibigan ng ating bida.

Yes, ang kaibigan niya ay kilalalang celebrity rin at ito’y tagong bading din at mahilig din sa mga basketbolista. O, knows  n’yo ba kung sinu-sino sila? Basta pareho silang patago.

Kalokah! Buti hindi sila tinuluyan, basta sa isang kilalang village ‘yon nangyari.

BIDA NA NGA si Sarah Lahbati nga-yon via Kokak ng GMA-7. Ibig sabihin, malaking challenge nga ito sa takbo ng career ng dalaga. Mismo ngang siya hindi makapaniwala kaagad na bibigyan na siya ng launching project.

Nandiyan na umiyak pa siya habang nag-iinterbyu kami sa kanya dahil nga sa sobrang kaligayahan na nadarama ng mga oras na ‘yon.

Kahit mukhang mataba siya sa paningin namin nu’ng araw na makita namin siya, at first time naming tumuntong ng GMA-7 para sa kanilang press conference, kakikitaan mo naman ang kanyang kaseksihan at freshness.

Sa totoo lang, mas sexy si Rachel Lobangco noon keysa sa kanya.

“Nagda-diet naman po ako para ma-meet ko ‘yung ine-expect sa akin ng marami. Pumayat naman po ako,” sey niya sa amin.

Ang nakakalokah, hindi pa napapanood ni Sarah ang original na Kokak hanggang ngayon. Bakit kaya? May nagbabawal ba sa kanya? Ang tatay ba niya na sobrang protective sa kanya?

Kaka-eighteen lang niya kung kaya naman hindi pa panahon para siya pa-kawalan na kaagad. Mahirap na nga ang magsisi sa bandang huli.

Eh, ‘di ba, siya raw ang next Marian Rivera? Payag ba kayo?

BLIND ITEM ULI: Knows, n’yo ba kung sinoo itong young actor na sobra ang yabang kung kaya naman kinakainisan na siya ng kanyang mga kasama sa show.

Madalas daw na mam-bully ang aktor, kung kaya naman iwas na sa kanya ang kanyang mga kasama. Isang araw ay isusumbong nga raw ito ng buong cast sa kinauukulan pag hindi  tumigil.

O knows n’yo ba kung sino siya? May dugo siyang artista…

CONGRATULATIONS SA AMING mga kaibigan na sina Mr. Wilbur at Mrs. Josephine Canonigo ng Medical One sa kanilang successful na participation sa katatapos lamang na CT-MRI Society of the Philippines and Ultrasound Society of the Philippines 2011 Joint Annual Convention aptly themed “More than Meets the Eye: Neuro-Optha and Vascular Imaging in the New Decade” na ginanap noong Oct. 20.

Ang Medical One din ang sponsor ng gaganapin na convention ng Phil. Society of Eco-Cardiography sa Iloilo sa November 19, 2011 at bahagi rin sila ng Private Hospital Association Convention of Medical Cardiology sa Manila Hotel sa darating na November 21, 2011.

Ang Medical One Corporation ay kilala sa healthcare industry bilang distributor ng mga produktong Philips Ultrasound and Imaging Systems, Draeger Anesthesia and Ventilator and Natus Hearing Diagnostics at marami pang iba.
by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!

Previous articleKahit ‘di maganda ang kundisyon ng ama Iza Calzado, marunong magdala ng problema
Next articleSen. Bong Revilla Jr., maagang nangangampanya – Genelyn Magsaysay

No posts to display