Sarah Lahbati, p’wedeng pamalit kay Marian Rivera

Sarah Lahbati, p’wedeng pamalit kay Marian Rivera

Sarah-LahbatiSA BIGLAANG desisyon na hindi na matutuloy ang serye ni Marian Rivera ay marami ang malungkot. Baka kasi hindi na ito ituloy pa at tuluyan nang ibasura. Imbes na kikita na ang mga kasali ay naantala pa. Dito nangyari na naman ang ‘di inaasahan na huwag magsiguro hangga’t di pa umiikot ang kamera.

Pinag-uusapan ng umpukan ng entertainment press kung sino raw ba ang puwedeng ipalit kay Marian.

Lumulutang ang name nina Jennylyn Mercado, Lovi Poe, at ang asawa ni Richard Gutierrez na si Sarah Lahbati.

Kung ako ang tatanungin, mas ok kung kay Sarah mapupunta ang said role na para kay Marian.

Fresh at ‘di pa sawa ang televiewers sa mukha niya.

‘Yun lang.

 

NALULUNGKOT PA rin kami sa biglang pagpanaw ng aming kaibigan at PMPC PRO na si William Reyes last Friday. Nasa Loyola Memorial Chapel sa Guadalupe ang kanyang labi, second floor Querubim Room. Isang kilalang Noranian ang aming kaibigan kung kaya naman, isa sa mga unang sumilip sa kanyang labi ay ang nag-iisang superstar.

Nakasama niya nga sa maraming pagkakataon ang Superstar. Halos lahat yata ng mga shootings at mga special na lakad ay nandu’n si William.

Napag-alaman namin sa pamilya ni William na Wednesday na ang libing at si Nora na ang sasagot sa lahat ng bayarin at gastusin sa burol.

Sa naiwang pamilya ni William Reyes, 1962-2015, kami’y buong pusong nakikiramay. Maraming salamat William, at paalam…

by Fernan de Guzman
Fer ‘Yan Ha?!