Sarah Lahbati, nag-walkout sa taping ng serye?!

ADVERTISING

Sarah Lahbati, nag-walkout sa taping ng serye?!

Sarah Lahbati, nag-walkout sa taping ng serye?!IS IT true that Sarah Lahbati surprised everyone on the set of Indio when she walked out recently on its taping?

Bigla na lang daw umalis si Sarah kahit na may ilang eksena pa raw na kukunan sa kanya, bagay na ikinaloka ng mga taga-production.

Hindi raw talaga nagpapigil ang young actress at iniwan talaga ang taping.

At nang matanong daw kung bakit siya biglang umalis ay sinabi raw nitong pagod na siya sa taping.

ADVERTISING

Baka naman may cut off time si Sarah at sumobra na sa oras ang kanyang pagtatrabaho. Ang alam namin kasi ay halos patayan ang taping sa GMA-7. Imagine, buong araw ang taping. Iko-call time ka ng 7 a.m. at 7.a.m. na rin the next day ang tapos ng taping mo. Parang ginagawa na ni-lang robot ang mga artista, ‘di ba?

 

NA-FORESEE NA ni Benjoe Leoncio na sina Vin Abrenica at Sophie Albert ang Best Actor at Best actress sa Artista Academy. 

“Noong nasa final day na kami, sinabi ko kay Sophie na ‘ikaw ‘yung mananalo’. Ang alam ko lang kung si Sophie ang mananalo sa babae ay mananalo si Vin. Sila naman talaga ‘yung standout sa lahat, eh,” sabi ni Benjoe.

Ang feeling ng Campus Crush ng Cebu ay deserving ang panalo ni Vin.

“Hindi naman (ako nagduda) kasi performer naman talaga si Vin. Siya talaga ‘yung standout sa pagsayaw. Deserving talaga si Vin,” he said.

Sa ngayon ay mina-manage si Benjoe ni Jonas Gaffud ng Mercator. Nakilala niya si Jonas sa Sinulog last year kung saan pinasakay siya sa float kasama ang naglalakihang celebrities tulad nina Shamcey Supsup, Angelica Panganiban at Derek Ramsay.

At secured naman ang feeling ni Benjoe dahil may kontrata siya sa Singko.

“Ang alam ko ay lahat kami ay may kontrata na, artista na. Masaya na ako pumasok ako sa Top 8 pero mas masaya ako kung pumasok ako sa Top 6,” saad pa niya.

Isa ang pagkanta at pagsayaw sa most unforgettable experiences ng binata sa Artista Academy.  

“Noong una sinabi ko na hindi ako marunong kumanta. Most of my relatives sa Cebu are performers, musicians talaga. Dalawa lang kaming magpinsan na hindi. Parang lumabas ‘yung confidence ko na kumanta. Sa sayaw naman, medyo natuto na ako pero awkward na. Ang dami ko talagang natutunan sa acting. Hindi ko alam na madalala mo pala sa personal na buhay.”

Sarah Lahbati, nag-walkout sa taping ng serye?!

AYAW PA rin bang tantanan ni Liz Uy si Atom Araullo?

Aba, the latest we hear is it that nagpa-impress na naman daw itong famous stylist sa young new reporter ng Dos.

One time kasi, Atom tweeted na he was in need of a suit na gagamitin yata niya sa isang okasyon. He was asking his friends on Twitter kung meron silang alam na magandang gumawa ng suit. A few friends tweeted back and sent some information about some tailoring shops na magaling gumawa ng suits.

When Liz learned about Atom’s predicament ay kaagad daw itong nagpadala ng staff kay Atom para sukatan ito. Na-surprise daw si Atom sa gesture na ito ni Liz but he politely turned it down.

Nauna na naming nasulat na nagpadala ng cakes si Liz kay Atom, pero ang mga kasamahan nito ang kumain dahil hindi pala mahilig sa sweets itong si Atom.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING