Sarah Lahbati, ipit sa away ng ina at ni Annabelle Rama

ADVERTISING

Sarah Lahbati, ipit sa away ng ina at ni Annabelle Rama

Sarah-LahbatiAYAW NANG magsalita ni Sarah Lahbati tungkol sa isyu ng Mommy niyang si Esther Lahbati at ni Annabelle Rama.

Nagsalita na kasi si Bisaya tungkol sa mga post ni Esther sa Instagram account niya at maayos naman niyang ipinaliwanag.

Ayaw na lang daw niyang patulan, pero sinabihan na raw niya si Esther na tumigil na ito dahil ang apektado ang anak niyang si Sarah.

Kinausap na rin pala ni Sarah ang mommy niya. Nu’ng Linggo daw pagkatapos ng guesting niya sa Sunday All Stars, pinuntahan ng young actress ang mommy niya at nagkausap sila. Kaya tahimik na rin si Esther at wala na raw siyang pinu-post na kung anu-ano sa Instagram account niya.

ADVERTISING

Iniiwasan na rin ni Richard Gutierrez na pag-usapan pa ang isyung ‘yun dahil mas mabuting tahimik at sa pamilya na lang daw nila ito ayusin.

Kaya kahit abala siya sa promo ng pelikula niyang Overtime, iniiwasan na niya itong pag-usapan dahil hindi nga naman makatutulong sa promo ng pelikula na magsi-showing na raw sa July 2.

Nu’ng kamakalawa ng hapon nga ay nag-guest din si Sarah sa Celebrity Bluff, tumanggi itong magpa-interview dahil sinabihan na nga raw itong huwag nang magsalita tungkol sa isyung ‘yan.

Siguro dapat na manahimik na nga si Esther, alang-alang sa apo niyang si Baby Zion.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING