Sarah Lahbati, idedemanda ng home network?!

ADVERTISING

Sarah Lahbati, idedemanda ng home network?!

Sarah Lahbati, idedemanda ng home network?!LUMALALA NA itong isyu kay Sarah Lahbati na naka-schedule na ang pag-uwi ng Switzerland para roon muna mag-aral at siguro para lumamig na rin ang isyung kinasasangkutan niya ngayon.

May naririnig na akong demandahan, kaya ewan ko kung maaayos pa ito.

Dahil sa mga inilabas ni Sarah na rebelasyon sa kanyang Twitter, naging masigasig ngayon ang GMA 7 sa pag-imbestiga sa mga nangyayari.

Muling nabuhay itong isyu ng walk-out na paiimbestigahan na ng GMA 7. Pero alam ko nakatakda nang umalis si Sarah para malayo na sa sobrang stress na pinagdaanan niya.

ADVERTISING

Mabuti na nga siguro ‘yan, para matahimik na muna. Tiyak namang babalik si Sarah at siguro maaayos na niya ang problema niya sa GMA 7.

Sabi naman ni Annabelle Rama, bumitaw na siya bilang co-manager ni Sarah, kaya hindi naman siya nangingialam na.

Nagri-react lang siya kapag napagbibintangan ng hindi totoo si Sarah dahil naaawa raw siya sa bata, at siyempre girlfriend siya ni Richard Gutierrez.

Ngayong araw ang presscon ng The Seduction nina Richard at Sarah, at ang alam ko si Richard na lang ang dadalo.

Ayaw na raw humarap ni Sarah sa press dahil ayaw na niyang pag-usapan pa ito. Napagod na raw siya sa isyu at gusto na niya talagang umalis.

Ang kuwento pa ni Bisaya, kaya gusto na rin daw niyang umalis para hindi raw mapanood ng Mommy ni Sarah ang mga ginawa nito sa pelikula nila ni Richard.

Kahit siya raw hindi rin makapaniwalang kaya niyang gawin ‘yun. Nakumbinsi lang daw siya ni Direk Peque Gallaga na gawin ang mga daring scenes at napahubad siya.

Kumportable naman kasi siya dahil si Richard ang kaeksena niya kaya nagawa niya agad ‘yun.

Pero ewan ko lang ha? Baka nga grabe ang mga bold scenes niya sa pelikulang ‘yun, at hindi na siya pag-artistahin ng Mommy niya.

 

Sarah Lahbati, idedemanda ng home network?!NGAYONG ARAW raw ang dating ni BB Gandanghari galing Amerika? Ang naikuwento sa akin, may pasabog siya na i-announce pagdating nito.

Meron yata siyang mala-king project na gagawin sa Viva Films dahil pumirma na kasi ito kay Boss Vic del Rosario.

Naku! Ano naman kaya? Sana hindi na naman mag-react sina Robin Padilla at ang Mommy Eva niya.

Matagal din yata sa Amerika si BB pagkatapos niyang mag-taping sa Enchanted Garden.

Pero curious lang ako kapag bumibiyahe si BB sa ibang bansa, hindi kaya siya nagkakaproblema sa Immigration dahil siyempre Rustom Padilla pa ang passport niya.

Iba siyempre ang hitsura niya sa passport at hindi pa BB Gandanghari ang pa-ngalang dala niya.

Matanong nga ‘yan!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

ADVERTISING