Sarah Lahbati, hinihiritan ng anak na si Zion na magbuntis!

ADVERTISING

Sarah Lahbati,  hinihiritan ng anak na si Zion na magbuntis!

Sarah Lahbati,  hinihiritan ng anak na si Zion na magbuntis!
Sarah Lahbati

ANG SEKSI ni Sarah Lahbati nang humarap siya sa media last night (Monday) sa premiere night ng pelikula niyang Ang Pagsanib kay Leah dela Cruz na mula sa direksyon ni Katski Flores na co-produced ng Viva Films at ng kompanya ni Direk Erik Matti.

 
Nang dumating siya sa kaganapan last night sa Robinson’s Galleria ay pinagkaguluhan kaagad si Sarah ng mga photographers at television crews na nag-cover ng event.
 
Pinagkaguluhan agad ng mga photographers at television crews na nag-cover ng event si Sarah nang dumating ito last night sa Robinson’s Galleria.
 
Ang seksi ni Sarah sa suot  niyang black plunging neckline gown na hindi mo iisipin na may anak na pala siya sa live-in boyfie na si Richard Gutierrez.
 
Sa sobrang ba ng neckline, naka-expose ang umbok ng kanyang dibdib na lalong mapapansin at magugustuhan ng sinumang lalaki.
 
 Hindi mo maiisip na isang mommy na si Sarah. Mommy na seksi!

Hot Momma siya ni Zion na sa edad ni bagets na 4 years old (actually ay naghahanap na ito ng kapatid); no one will think na ang seksing mommy ni bagets ay walang traces na nagbuntis at ngayon nga ay nagdadalawang-isip pa kung pagbibigyan niya ang lambing ng anak na sundan na siya.         
 
At the preem, naikuwento ni Sarah na ang one and only baby nila ni Richard ay naghahanap na ng baby brother or sister.
 
“He wants a baby bro or sis,” kuwento ni Sarah na nakatsika namin prior to the screening of her film na pasado sa amin ang takot factor ng pelikula at sa acting niya na last night lang namin napagtanto na she can act.
 
Para kay Sarah, madali lang daw ang magbuntis. “But me and Richard should plan,” sabi niya.
 
Sabi nga namin, kung magpa-plano man sila ni Richard na sundan si Zion, parang wrong timing ngayon pa na nagsisimula muli ang pagiging akitbo ng showbiz career niya.
           
Kuwento niya, ang pelikula niyang “Ang Pagsanib Kay Leah dela Cruz” ay part ng kanyang 5 years managerial contract sa Viva Artist Management at her first major break bilang artista at bida sa pelikula.
 
“Kaya what I did para less na ang pangungulit ni Zion, I bought him a baby poodle na gustong-gusto niya,” kuwento ni Sarah.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING