Sarah Lahbati, ‘di pakakasalan ni Richard Gutierrez

ADVERTISING

Sarah Lahbati, ‘di pakakasalan ni Richard Gutierrez

Sarah-Lahbati-Richard-GutierrezISA SA mga magiging ninang sa binyag ni Baby Zion, anak nina Sarah Labhati at Richard Gutierrez, si Kris Aquino kaya hindi nakatanggi ang actor na mag-guest sa The Buzz at magpa-interview kay Kristeta.

First time nagpa-interview nang mahaba si Chard at ayon sa actor hindi muna sila magpapakasal ni Sarah. Naka-focus daw muna sila sa pagpapalaki sa anak nilang si Zion.

“For me kasi, parang one major life decision at a time. Sobrang blessing sa amin na dumating si baby Zion sa buhay namin. Ngayon pa lang talaga namin nae-enjoy having a baby. ‘Yung marriage, I believe it will come also at the right time,” say ni Chard kay Kris.

Direktang tinanong din si Chard kung nagsasama na sila ni Sarah at walang paliguy-ligoy na “yes” ang naging sagot ng actor. Pinagdiinan din ni Chard na si Sarah na ang one and only para sa kanya at handa niyang ipaglaban at ipagtanggol ito.

ADVERTISING

“Of course, I won’t be spending my time with her if I feel like her she’s not the right person. It’s in the horizon but for now, it’s important also na kababalik lang niya sa work niya and we are doing a reality show and we are enjoying our time having baby Zion. Doon muna kami naka-focus as of now. Everything will fall into place,” say pa ni Chard.

Kasama ni Chard sa interview ang mother niyang si Annabelle Rama at tulad ng dati ay kuwela na naman si Bisaya.

Ito kasi ang sumasagot kapag tinatanong si Chard. Katuwiran ni Annabelle, mabagal daw kasing sumagot ang anak kaya siya na ang sumasagot kahit hindi siya ang tinatanong.

Pero sa naturang interview, napatunayan na paboritong apo nito ang anak nina Chard at Sarah. Araw-araw ay binibisita nito ang apo sa bahay nina Chard at Sarah para makita at ipasyal sa mall.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING