Sarah Labhati, walang balak pakasal kay Richard Gutierrez

ADVERTISING

Sarah Labhati, walang balak pakasal kay Richard Gutierrez

Sarah-LahbatiAYON KAY Sarah Lahbati hindi raw niya pingarap sumabak sa mga beauty contest kahit na maraming naghihimok sa kanya na sumali at malaki raw ang pag-asa niyang maging beauty queen.

ADVERTISING

“Hindi ko makita ‘yung sarili ko na naka-two piece in front of millions viewers. Saka hindi ko talaga hilig ‘yun. I respect my body and I want it for my own. Kumbaga, ‘yun nga, hindi ko nakita ang sarili ko as Binibining Pilipinas candidate. But I have so much respect for them because of what they learn and what they go through and everything what they do is admirable. But it’s not just my thing,” say ni Sarah sa presscon ng Liwanag sa Dilim.

Tanong tuloy sa kanya kung wala rin siyang balak mag-pose ng sexy sa mga magazine, lalo sa FHM?

“Mahilig ako sa shoots and getting glammed up. As long na classy ‘yung shoot and karespe-respeto, why not? Pagka-fit ako and feel ko na sexy ako,” aniya.

ADVERTISING

Dahil nauso ang mga ginagawa ng sikat na celebrities na nagpo-propose ng marriage. Wala ba silang balak magpakasal ni Richard Gutierrez?

Napag-uusapan na raw nila minsan ang kasa,l pero right now ay mas gusto nilang maayos muna ang problema ng kanilang mga magulang. At baka this year daw ay sundan na nila si Zion who will turn two years old sa April, 2015.

Hindi raw magiging problema kung kailan sila magpapakasal ni Richard dahil simula nang maging silang dalawa ay alam na nila na they wanted to spend the rest of their lives with each other, tulad ng pagmamahalan ng mga kumpare at kumare raw nilang sina Dingdong Dantes at Marian Rivera.

Kaya pala hindi sila nakarating sa kasal nina Dong at Marian ay naipit daw sila nang walang biyahe pabalik ng Manila from Cebu dahil sa bagyo.

Samantalang may nakarating sa amin na magiging co-host ni Dingdong si Sarah sa artista search na pinagwagian niya, sa Starstruck 6. Pero hindi pa raw sure si Sarah kung matutuloy dahil wala pa naman daw official offer sa kanya ang GMA.

As of now ay naghihintay pa si Sarah kung ano ang ibibigay sa kanya ng Kapuso Network.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

ADVERTISING