Sarah Geronimo, walang paki sa sasabihin ng ina sa issue ng kissing scene with Piolo Pascual

ADVERTISING

Sarah Geronimo, walang paki sa sasabihin ng ina sa issue ng kissing scene with Piolo Pascual

Sarah-GeronimoSA SOBRANG excited ni Sarah Geronimo sa movie nila ni Piolo Pascual kaya nasabi nitong gusto niyang magkaroon sila ng kissing scene ng actor. Marami ang nag-react sa naging pahayag ng Pop Princess. ‘Yung iba ay natuwa dahil first time nga namang magkakasama sa pelikula ang dalawa. Siguradong marami ang kikiligan sa tandem nila na romantic comedy film.

Para kay Matteo Guidicelli, okay lang sa kanyang may kissing scene si Sarah with Piolo dahil alam niya kung gaano ka-gentleman ang actor. At saka, kung talagang kailangan sa eksena, no problema sa hunk actor. Naiintindihan niya ‘yun dahil pareho silang artista.

Nang tanungin naman si Mommy Divine, mabilis ang pag-iwas nito sa press. Ayaw niyang mag-comment tungkol sa kissing scene issue ng anak niyang si Sarah with Piolo. Well, if ever matuloy ito, I’m sure off limit muna sa set ang mahaderang ina ng singer-actress hangga’t hindi pa nakukunan ang eksena, or huwag na lang ipaalam kung kailan kukunan ang romantic kissing scene ng dalawa para walang maging problema.

This time, matapang si Sarah, hindi alintana ang magiging reaction ni Mommy Divine at sasabihin nito sa binitawan niyang salitang gusto niyang may kissing scene sila ni Piolo. Dream come-true para sa singer-actress na makatrabaho niya ang kanyang idol na si Papa P. Another box-office hit na naman ito ng Star Cinema.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING