Sarah Geronimo, walang latoy ang acting sa Idol

ADVERTISING

Sarah Geronimo, walang latoy ang acting sa IdolSarah Geronimo, walang latoy ang acting sa IdolOLA CHIKKA! MARAMI na nga ang excited sa nalalapit na Metro Manila Film Festival (MMFF) para sa taon. Sa mga pelikulang tiyak na kaabang-abang, isa na rito ang Agimat ni Enteng kung saan ang dalawang pinakapatok na artista sa MMFF ay magsasanib. Sina Sen. Bong Revilla Jr. at Vic Sotto ay magsasama sa kanilang movie entry for this year at tiyak na marami ang nasasabik nang mapanood ito. Paano ba naman ay kapag sinabi mong MMFF ay ang pangalan ng dalawang bigating artista ang agad mong maiisip, hindi ba?

Ngunit ano itong aking narinig na chikka na sa kabila ng mabilis na paglipas ng panahon at nalalapit na ang Disyembre, hindi pa rin nasisimulan ang script ng nasabing pelikula. Ang script ay sinasabing backbone ng mga pelikula, dahil ito

ang pinagbabasehan ng bawat ekesena. Papaano makapaghahanda ang buong production kung wala silang sinusundang guide?

Narinig kasi ng aking parazzi girl na hanggang ngayon ay hindi pa natatapos ang script ng Agimat ni Enteng, dahil nahihirapan daw diumano ang scriptwriter kung papaano niya bibigyan ng tamang exposure ang dalawa.

Kung sa bagay, kahit ako naman ang magsusulat ng script ay mahihirapan din ako lalo na at dalawang bigating artista at palaging bida ng MMFF ang mga ito. Kailangan nga naman niyang maging maingat upang mabigyan ng tamang exposure ang dalawa dahil baka pagmulan pa ito ng mga intriga at siyempre para magkaroon pa ng part 2, hindi ba?

ADVERTISING

Pero siyempre sa ganitong kalaking proyekto,  hindi makapapayag ang buong production na hindi maituloy at masilayan ang kapangyarihan ng Agimat ni Enteng.
MUKHANG MARAMI ANG magagalit sa aking beauty kapag sinabi kong hindi ko bet ang bagong palabas nitong Pop Princess na si Sarah Geronimo. Kung ikukumpara mo noon, mukhang mas magaling pa siya umarte kaysa ngayon. Noon kasi ay mas madarama mo ang kanyang pag-arte ngunit ngayon ay parang hindi mo ma-feel ang mga eksena. Mas nakakaiyak pa ang mga arte ng mga bata kaysa sa kanya. Buti na lang ay nababawi niya sa pagkanta ang kakulangan niya sa kanyang pag-arte.

Or maaari rin namang sadyang hindi lamang siya makasabay sa pag-arte sa kanyang kasamahan. Si Sam Milby pa lang, panalo na ang pag-arte tapos idagdag mo pa si Coco Martin na bagay na bagay ang role sa palabas ay papa’no na makahihirit sa pag-arte ang Pop Princess?! Sige Sarah ibirit mo na lang… birit lang! Paak!

BLIND ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya? Mahulaan n’yo kaya itong sexy actress na napapasama sa panibagong listahan ng mga pa-booking na mga artista? Tamah!

Kamakailan lamang ay naisiwalat sa akin ng aking parazzi girl ang nasagap na isang chikka sa advertising agency na maraming connection sa entertainment world.
Ang chikka kasi ay matagal na itong naiintriga tungkol sa kanyang sugar daddy, ngunit nang maka-chikkahan ko itong aking parazzi girl ay buong tapang niyang ibinulgar na hindi pala local personality ang sponsor ni sexy actress kung hindi foreynjer. Ha-ha-ha! Bongga!

Hindi ako makapaniwala dahil kung puwede ko lang sabihin kung sino ang nagpa-booking sa kanya ay tiyak na kahit sinong babae sa Pilipinas ay nanaisin na ring magpa-booking kahit wala nang bayad ay go pa rin sa talentadong foreynjer na ito.
Napakasuwerte talaga ni sexy actress dahil hindi lang niya nakamit ang kaligayahan maging ang kaperahan ay naka-getching din siya! Sino siya? Kailangan n’yo pa ba ng clue eh, napaka-given na! Pak!

Hindi niyo pa rin mahulaan? Subaybayan na lamang sa aming programa ni Lady Camille sa DWSS 1494 kHz weekdays from 11:30 AM to 12: NN. At patuloy pa rin po akong subaybayan sa DZRH TV tuwing Linggo mula 2:30-3:30 p.m. Thank you very much and God Bless us all!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING