Sarah Geronimo, todo-bigay sa first episode ng bagong show

ADVERTISING

Sarah Geronimo, todo-bigay sa first episode ng bagong show

Sarah Geronimo, todo-bigay sa first episode ng bagong showISA KAMI sa mara-ming nakapanood ng bagong show ni Sarah Geronimo na Sarah G Live sa studio 2 ng ABS-CBN nu’ng Linggo nang gabi.
Bandang ala-singko ng hapon nang makita namin ang mga taga-hanga ng Popstar Princess na nakapila na sa audience entrance, habang sa loob naman ng studio ay nakita namin si Sarah na simpleng nakalugay lang ang buhok, naka-skinny jeans, flat shoes at white longsleeved polo na nagre-rehearse ng kanyang opening number with the G Force dancers.
Pagkatapos ng kanyang last rehearsal, dumiretso na si Sarah sa kanyang dressing room kung saan nasilip namin na inumpisahan na s’yang ayusan ng kanyang make-up artist, hairstylist at fashion sty-list, habang sumusubo ng pagkain pakonti-konti at maya-maya’y nagbo-vocalization naman.
Abala rin ang mga magulang ni Sarah sa pag-asikaso sa kanya at kanilang mga bisita sa audience, maging sa mga fans ng kanilang anak.
Nakita rin namin na nagdasal ang buong grupo ng singer at aktres kasama ang kanyang co-host kada Linggo na si Luis Manzano, si Gab Valenciano at special guest co-host that night na si Derek Ramsay bago sila pumasok lahat sa studio bago magsimula ang show.
Tila nagulat naman si Derek nang sabihin sa kanya ni Luis pagdating n’ya sa loob ng dressing room nila na guest co-host pala s’ya, kaya binasa agad ng hunk actor ang script.
Grabe ang energy ng mga masuwerteng unang audience sa pilot episode ng first solo musical variety show ni Sarah, kahit hindi pa man nag-uumpisa ang programa hanggang sa paglabas ng stage ng kanilang idolo para mag-perform ng kanyang opening number.
Kada performance ni Sarah ay hindi magkamayaw ang lahat ng nanonood sa studio na aakalain n’yong nasa concert sila nito sa big dome dahil sa nakakabinging lakas ng hiyawan at tilian ng mga ito.
Sobrang lakas din ng sigawan nang ipalabas ang two-part segment ng show na Sige, Go kung saan sinurpresa si Sarah ng kanyang production staff nang hindi n’ya alam na makaka-date n’ya pala on a yacht while cruising in Manila Bay ang napapabalitang manliligaw n’ya o boyfriend diumano na n’ya na si Gerald Anderson.
Palaisipan tuloy ngayon kung talagang mag-dyowa na sina Gerald at Sarah dahil nga nadulas ang dalaga sa pagtawag na “babe” sa binata habang nami-mili sila ng susunod nilang kakantahin sa videoke sa yate sa nasabing segment.
Well, bagay na bagay naman talaga silang dalawa para sa isa’t isa at nakakakilig silang panoorin, sa totoo lang.
To Sarah, congratulations on your new and solo show!

WA SA pagka-appear si Nancy Castiglione sa launch ng isang last Monday night sa Dusit Hotel sa Makati.
Bukod kay Grace Lee, inabangan din kasi ng showbiz press ang pagdating ni Nancy nu’ng gabing ‘yon para mabigyang-linaw nito ang pagkaka-link sa kanilang dalawa ni Hayden Kho, subalit biglang hindi ito tumuloy sa event.
Nu’ng una, may nagsabi raw na papunta na raw ang kontrobersiyal na dating aktres sa launch mula pa sa airport, pero natapos ang fashion show na walang Nancy na dumating.
After the show, sabi sa amin ng talent manager ni Nancy na si Arnold Vegafria na parating na raw ang kanyang alaga in 15 minutes, ngunit maya-maya pa ay sinabi naman nito sa amin nag-text daw si Nancy sa kanya para sabi-hing hindi na raw ito darating pa.
Nagbiro na lang si Arnold na baka raw may nag-text kay Nancy na maraming naghihintay na media/press sa kanya, gaya kay Grace, kaya siguro hindi na ito sumipot pa sa event.
Nangako na lang si Arnold na ipa-pa-presscon n’ya within the week si Nancy.
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING