Sarah Geronimo, tatandang dalaga

ADVERTISING

Sarah Geronimo, tatandang dalaga

Sarah Geronimo, tatandang dalagaOLA CHIKKA na naman tayo to the maximum authority of chikka! Nakakaloka naman iyong nakarating sa akin, kasi kapit-bahay ko lang itong tinaguriang Pop Princess na si Sarah Geronimo dito sa Mindanao Ave. Q. C.

Kasi, may nagkuwento sa akin na napadaan daw sila sa Ino’s resto nu’ng nakaraang araw para sa kanyang thanksgiving dinner ek-ek. May nagtanong daw kay Sarah kung si Gerald Anderson lang ba ang pangalawang lalaki na nagkaroon siya ng heartache. Kasi ‘di ba inamin naman niya na si Rayver Cruz ang unang lalaking sumugat sa kanyang puso, dahil inagaw raw ni Cristine Reyes ang kanilang nasimulang pag-ibig.

Kaloka, as in! Tahasang sinagot ni Sarah ang tanong na, “Hindi po. Marami rin naman, kahit wala pa ako sa showbiz.”

Na ibig sabihin, parang inamin niya na marami ring siyang naging lalaki. O say n’yo, Rayver and Gerald?

ADVERTISING

Pero kumambyo si Sarah na crush-crush lang naman lang daw ‘yun at walang seryosohan. Kung si Gerald daw, walang pinagsisisihan sa mga nangyari sa kanila ni Sarah, pero si Sarah ay malaki ang pagsisisi. Sabi niya, “Ako po kasi, ‘pag nagbigay ng tiwala ko, buong-buo, todo-todo talaga. Kaya ang nakapanghihinayang doon, parang hindi pa rin ako natuto, heto na naman, naulit na naman.”

Na ang buong akala niya, tunay na pag-ibig ang naghihintay sa kanya, pero bula lang pala na biglang naglaho. Kaya tamang-tama sa kanya ang paboritong kanta na ‘Pusong Bato’, na karamihan ngayon sa showbiz, padadamahin ka lang. Kailangang malakas ang pakiramdam mo, kasi karamihan ngayon ng mga lalaki sa showbiz ay playboy at chickboy, as in, pwede sa chick at puwede sa boy. Kaloka, bakit hindi na lang call boy?

So, ang ibig sabihin sa paliwanag ni Sarah, na hindi bato ang puso niya. Kasi maraming lalaki na rin ang nagdaan sa kanya, kahit wala pa siya sa showbiz. Ang tanong, alam kaya ito ni Mommy Divine? Na hanggang ngayon, parang isang robot si Sarah. Kasi ayon sa chikka, si Mommy Divine pa rin ang nagpapakilos ng katauhan ni Sarah, na ibig sabihin, sunud-sunuran pa rin siya sa mga kagustuhan ng kanyang ina. Na kung tutuusin, nasa tamang edad na si Sarah na 25, na puwede na siyang magdesisyon sa kanyang napupusuan.  Sabi nga ng iba, kung ganyan nang ganyan si Sarah, malamang na tumandang dalaga ito.

Pero kahit papaano, tama naman ang naging desisyon ni Mommy Divine sa pag-ayaw niya kina Rayver at Gerald, lalo na si Gerald na may mga lumalabas ngayong tsismaks na si Gerald daw ang taguri sa kanya ngayon ay ‘tuhog king’. Kasi sa tunay na buhay pala, itong sina Sarah, Kim Chiu at Maja Salvador ay BFF, as in best friends forever, na isa-isang tinuhog ni Gerald. Una ‘di ba si Kim? Pangalawa si Sarah.

Ngayon ang latest ay si Maja. Kasi raw madalas kasama ngayon ni Gerald ay itong si Maja, maraming nakakita sa Misimis Bay sa Albay, at ito raw ang kasama ni Maja nu’ng wedding ng kanyang pinsan last Jan. 2. Ang nakakaloka, nandoon din ang ex-boyfriend ni Maja na si Matteo Guidicelli, dahil imbitado rin ito ng pamilya ng pinsan ni Maja. Mabuti walang nangyaring eksena na tulad ng nangyari kina Coco Martin at Matteo nu’ng pinagsabay ni Maja. Kasi magkaibigan naman daw na matalik itong sina Gerald at Matteo.

At nu’ng Jan. 6 naman, nakita si Maja at Gerald na nag-dinner sa Anix resto at ang chikka, may blessing naman daw ito sa dating ex ni Gerald na si Kim. Kasi may Xian Lim na ito. Paano naman si Sarah?

Hay naku, kung totoo man ito Gerald, ginagamit mo lang ang pagiging guwapo mo para tuhugin silang tatlo. Hay, naku talaga! Ang showbiz nga naman… mabubuang ka talaga sa Earth lalo na ang fans na nakikipag patayan sa Kimerald at Ashrald.

Ano naman ang magiging taguri sa Maja at Gerald? P’wedeng Maje as in majic! Well ‘yan ang showbiz!

 

PITIK-BULAG: Sino itong sikat na personalidad na balitang wala na sila ng pinakasalan niyang politician?

Kasi nakarating sa lalaki na hindi na ito manganganak at hindi naman nakatulong sa kanyang political career. Kasi hinihila raw siya pababa dahil sa katarayan ng sikat na personalidad at may sakit daw itong kati sa katawan.

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING