Sarah Geronimo, sumugod sa Cebu para sa birthday ni Matteo Guidicelli

Sarah Geronimo, sumugod sa Cebu para sa birthday nin Matteo Guidicelli Sarah Geronimo, sumugod sa Cebu para sa birthday nin Matteo GuidicelliNagpiyesta ang fans nina Sarah Geronimo at Matteo Guidicelli dahil naglabasan ang photos nila na kuha noong birthday ni Matt sa Cebu.

Hindi nagpaawat si Sarah Geronimo at talagang sugod siya sa province just to be with her boyfriend. Maging ang madir ni Sarah way walang nagawa.

Actually, post nang post ang fans ng dalawa ng photos nila na kuha sa birthday ni Matteo Gudicelli. Before that, nagkasama rin ang dalawa sa kasal ng friend ni Matteo at sweet na sweet sila sa photos na lumabas sa social media.

Walang pagsidlan ng kasiyahan ang fans ni Sarah. For them, perfect si Matteo para sa kanya.

“Juicekolord, wala nang inhibition si Sarah, talagang punta na with her love. Kinikilig ako, bagay na bagay sila. Go go lang Sarah, nasa age na kayo ni Matt, at ang guapo at talented ng BF mo, sige ka, bakuran mo iyan,” say ng isang fan.

“Cute naman nina sarah at mateo. Sana forever na sila. At plz lang sarah, makinig ka sa sarili mo , sa intuition mo. Dahil kung pakakawalan mo pa yan, ewan ko lang kung may mahanap ka pang ganyan ka gwapo at ma respeto. Kaya wag ka ng makinig sa iba kapag sinabi nila na naku babaero yan atbp. Dapat ikaw mismo ang makakapagdeesisyon sa sarili mo. Alam nyo na kung sinong iba ang tinutukoy ko. Malaki at may edad na si sarah. Alam na nya ginagawa nya. Hayaan nyo syang matuto at matumba kahit paminsan minsan,” payo naman ng isang fan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleJames Yap, ‘di makawala sa anino ni Kris Aquino
Next articleVice Ganda, Karylle, Yael Yuson, at Iza Calzado, VIP sa Disneyland

No posts to display