Sarah Geronimo, sumasawsaw sa Ruffa-John Lloyd affair?!

Sarah Geronimo, sumasawsaw sa Ruffa-John Lloyd affair?!

Sarah Geronimo, sumasawsaw sa Ruffa-John Lloyd affair?!OLA CHIKA! HINDI lang ako ang nakapansin sa mga magagaling na broadcaster ng bansa. Bilang mga kasamahan ko sa hanapbuhay, talagang makikitaan mo ng husay at galing bilang mamamahayag si Pinky Webb at ang papa kong Ted Failon, na matagal ko rin namang nakasama.

Bukod sa maganda, matangkad, at matalino, mapapansin mo ang husay ni Pinky Webb, hindi lang bilang isang newscaster sa telebisyon, kundi maging sa pagbibigay ng kuru-kuro at banat na walang kinatatakutan. ‘Yan nga ang isang napapansin ng karamihan. Very natural at hindi OA.

Marami nga ang nagkumpara sa kanya at kay Korina Sanchez kung saan hindi nagugustuhan ng karamihan ang banat ni Koring.

Pero makikitaan mo rin ng propesyunalismo ang isang Ted Failon. Matapos niyang pagdaanan ang isang malaking trahedya sa buhay niya, nagawa pa niyang ibahagi sa publiko ang kanyang serbisyo. Hindi siya sumuko at ipinakita niya sa lahat ang isang matapang na tao, at hinarap niya ang mga taong nagsasangkot sa kanyang pamilya.

Marami nga ang nag-text sa akin, dahil nakikinig at pinapanood ko rin sila sa telebisyon at marami ang nagkakagusto sa tambalan nina Pinky at Ted. ‘Yun na!

MARAMI ANG NAGULAT sa isyung Ruffa Gutierrez at John Lloyd Cruz, kung saan hanggang ngayon, hindi pa rin umaamin sa publiko ang dalawa kung ano ang real score sa kanilang relasyon. Basta espesyal raw ang kanilang pagtitinginan, huh! Kalerke, ha?

Pero ito ang nakarating na chika sa akin mula sa aking parazzi girl. Ginawa raw lahat ng ABS-CBN ang lahat para magkaroon ng news blackout sa isyung namamagitan sa dalawa, makasisira raw umano kasi ito sa career ng bawat isa. ‘Yun daw mismo ang order ng nasabing network, at para mapatay na rin ang ang isyu, kung saan marami ang mga ispekulasyon at inilabas pa nga rito mismo sa Pinoy Parazzi ang litrato nila na kuha habang papasok sila sa isang hotek sa America. Bonggacious, ha?!

Ang nakakaloka, ginawa raw ito ng istasyon para hindi masira ang career ng dalawa, lalo pa’t diumano, may ginagawa na namang pelikula ang tambalang John Lloyd at Sarah Geronimo. Samantalang sina Ruffa at John Lloyd, wala namang movie na ginagawa ngayon, kaya ganu’n na lang pinatay ang isyu sa kanilang dalawa. Kalerke, ha?

Kaya ganu’n na lang ang himutok diumano ng ina ni Sarah, kung saan sumawsaw na ito sa isyung Ruffa at Lloydie, dahil sa may ginagawa palang movie ang dalawa. Hmmm…

Dagdag pa ng aking parazzi girl, hindi naman si Sarah ang humakot ng kita sa pelikula kundi si John lloyd. Nakakaloka, ha? Dahil kung ipapareha raw si Sarah sa iba, siguradong floptsina ang mangyayari. Nakakaloka, ha?!

Ano kaya ang masasabi ni Ruffa? ‘Yun na!

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding