Sarah Geronimo, sobra nang sakal sa mga magulang?

ADVERTISING

Sarah Geronimo, sobra nang sakal sa mga magulang?

Sarah-GeronimoSarah-GeronimoKUNG SI Matteo Guidicelli ay pahapyaw na nagsasalita tungkol sa relasyon nila ni Sarah Geronimo, kataliwas naman ito ng Pop Princess na tikom pa rin ang bibig tuwing pag-uusapan ang tungkol sa kanila ng aktor. Iba’t ibang bersyon na ng mga kuwento ang naglalabasan tungkol sa dalawa, nandiyan na break na raw sila, na nagalit daw si Daddy Delfin Geronimo dahil itinakas ni Matteo si Sarah pero may basbas naman daw ito ni Mommy Divine. May tweet namang lumabas na nakita raw ang dalawa na um-attend ng service ng Victory Christian Fellowship sa The Fort.

Nang tanungin si Sarah kung bakit nananatiling tahimik siya ‘pag napag-uusapan ang tungkol sa lovelife, sinagot naman ito ng singer/actress na personal na buhay niya ito at kahit bilang isang artista at public figure, naniniwala siguro si Sarah na dapat maging pribado pa rin ito.

Marami ang nagsasabi na sobra-sobra at wala raw sa lugar ang paghihigpit kay Sarah ng kanyang mga magulang partikular na si Mommy Divine. Sa amin, naiitindihan namin ang punto nito. Alam naming bilang isang ina ay kabutihan ang iniisip ni Mommy Divine para sa anak. Kung ang pagbabasehan ay ang mga kinauwian ng relasyon ni Sarah sa mga lalaking naugnay sa kanya, hindi naman nagkamali si Mommy Divine sa paghihigpit kay Sarah, kahit minsan ay maaaring sumusobra na ito. Sa amin kung may nakakilala man kay Sarah nang higit sa lahat, ito ay ang kanyang mga magulang partikular na ang ina, alam nito ang lakas at kahinaan ng anak.

Maaaring sa dami na rin ng mga pagkabigo na pinagdaanan ni Sarah, natuto na rin ito sa mga nangyari sa kanya, na mas matalino na ito sa paggawa ng desisyon lalo na pagdating sa pag-ibig, hindi na rin ito bata. Bente singko anyos na ngayon si Sarah. Hiling namin sana ay bigyan na ng laya nina Mommy Divine at Daddy Delfin na makapagdesisyon sa sarili ang anak. Magmahal man ito at magkamali, bahagi ng buhay ang madapa at masaktan dahil dito tayo natututo at tumatapang.

ADVERTISING

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

ADVERTISING