Sarah Geronimo sinorpresa ang mga fans sa kanyang bagong hairstyle

NAPA-WOW kami sa bagong hairstyle ng nag-iisang Popstar Royalty na si Sarah Geronimo!

For the longest time ay nasanay tayo na mahaba ang buhok ng isa sa well-loved singer/actress ng bansa. Nagulat ang maraming tao nang ibunyag ni Sarah G ang kanyang shortest haircut to date sa isang online event para sa ine-endorsong membership shopping store with her husband Matteo Guidicelli.

Sarah Geronimo sinorpresa ang mga fans sa kanyang bagong hairstyle
Sarah Geronimo

Isang pixie cut hairstyle ang suot ngayon ni Mrs. Guidicelli na bagay na bagay sa kanya!

May ilan na nagtaka kung ito ba ay wig lamang na maganda ang pagkakalagay. Mismong ang hair stylist na si RJ dela Cruz ang nagkumpirmang totoo ang bagong look ni Sarah. Winner!

Hindi namin napanood ang nasabing online event, pero ang pangabog na look ni Sarah ang naging hudyat para aming hanapin kung maaari na bang panoorin ang replay ng kanyang successful online concert na Tala: The Film Concert na ngayon ay mapapanood na sa Vivamax. Bongga!

Sarah Geronimo sinorpresa ang mga fans sa kanyang bagong hairstyle
Sarah Geronimo

Matagal-tagal na rin natin hindi napapanood sa ASAP Natin ‘To si Sarah, pero kapansin-pansin ang pagiging aktibo nito sa mga commercials and special events. Sa totoo lang, miss na rin namin mapanood sa big screen si Sarah na huling napanood ng mga fans sa heartwarming film na ‘Unforgettable’.

Anong masasabi niyo sa new look ni Mrs. Guidicelli?