Sarah Geronimo, sinamantala ang ECQ para ipagluto si Matteo Guidicelli

Leo Bukas
HINDI itinatanggi ni Sarah Geronimo na maraming bagay ang nabago sa kanyang buhay mula nung mag-asawa siya at pakasalan si Matteo Guidicelli. Isa na nga raw dito ay ang kanyang priority.

Ani Sarah, “Siyempre, dumating na ako sa punto na hindi lang ang sarili ko ang iisipin ko.  Being  a wife, I get the chance to spend most of my time with my husband. So, I have to attend to his needs.”

Naging magandang oportunidad din daw ang quarantine period para mas makilala pa nilang mag-asawa ang isa’t isa.

Matteo Guidicelli and Sarah Geronimo

“We’re given enough time to know each other better and I think, iyon ang pinaka-importante dahil nakakapag-adjust kami sa isa’t isa,” pahayag niya.

Nagiging bahagi rin daw ng kanilang bonding sa bahay ang music since pareho rin nilang mahal ang pagkanta bukod sa pag-arte.

“We both share this passion for music kaya  we’re happy to part of the “Pantawid ng Pag-Ibig: At Home Together concert  na ang aim ay makalikom ng pondo para sa pamilyang apektado ng  krisis ng Covid-19,” lahad  niya.

Dagdag pa ng misis ni Matteo, sana raw ay hindi yon ang huling pagkakataon na magkaroon ng sila ng duet ng mister.

Pinapayuhan din niya ang lahat na gamitin ang lockdown para maging kapaki-pakinabang na pagkakataon para makapag-bonding sa kanilang mga mahal sa buhay.

“Sa halip na nakatuon tayo sa mga negatibong bagay, gumawa po tayo ng paraan upang lalong mas mapaganda ang ating buhay kahit nasa loob lang tayo ng ating mga tahanan,” wika pa niya.

Sa panahon ng quarantine, proud si Sarah na amining paminsan-minsan ay  ipinagluluto niya ang asawa. Kung anong mga recipe ang kanyang inihahanda ay hindi na ibinahagi ng Popstar Royalty.

Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

Ayon pa kay Sarah, kung may isa  siyang bagay na natutunan sa pag-aasawa, ito ay ang maging  matalino at metikulosa  sa mga bagay na kanyang tinatangkilik at binibili.

Importante din daw sa kanya ang kalidad ng isang produkto na ginagamit niya sa kusina bilang misis at dito sila

mabilis na nagkakasundo ng Hanabishi Philippines. Sarah is now the brand ambassador of Hanabishi – isa sa pinagkakatiwalaang brand pagdating sa home at kitchen appliances.

Samantala, kamakailan lang ay ginawaran si Sarah ng Entertainment Personality of the Year award ng prestihiyosong Akwa-Ibom State Advancement Awards.

Previous articleBaron Geisler nakaranas ng depresyon nang ma-stranded sa NCR dahil sa ECQ
Next articleMga artista, bawal maglagare sa ‘new normal’ set-up ayon sa IGA guidelines

No posts to display