Sarah Geronimo, playing sweet music with the son of Camarines Sur governor?

Sarah Geronimo, playing sweet music with the son of Camarines Sur governor?

Sarah Geronimo, playing sweet music with the son of Camarines Sur governor?

TULUY-TULOY PA RIN kada Linggo ang paghataw sa ratings ng show ni Vice Ganda na Gandang Gabi Vice.

Ang pinakamataas na ra-ting daw so far, ayon sa ilang production staff na aming nakausap, ay ang episode kung saan si Angel Locsin ang guest.
Sa totoo lang, kahit saan kami magpunta, ang bukambibig ng mga taong nakakatsika namin na nakapanood ng naturang episode ay ang kakayahan ni Angel na paabutin ang kanyang dila sa dulo ng kanyang ilong at ang paglalagay n’ya ng eyeliner habang naglalakad. Naaliw rin ang mga tao sa pagra-rap n’ya.

Sa episode sa darating na Linggo, abangan ang pagpapamalas din ni Erich Gonzales sa pag-rap at sa pagkanta ng duet mag-isa ala-Marcelito Pomoy na ginagawa n’ya pagsali sa mga singing contest nu’ng bata pa s’ya.

Nabalitaan naman namin na medyo marami raw pala ang na-edit out nu’ng mag-guest si Me-lanie Marquez, kahit napakasaya raw ng interview ni Vice sa former beauty queen and actress, dahil sa kakulangan sa oras, kahit isang oras naman daw talaga ang haba ng show.

Sa dami raw kasi ng commercial load kada episode, inaabot na lang daw ng 35 minutes ang kabuuan ng programa.

Kinuha namin ang reaksyon ng komedyante last Wednesday night after his taping ukol sa nabalitaan namin na pinag-iisipan ng ABS-CBN management diumano na i-pullout si Vice sa Showtime at idagdag sa kanilang noontime show na Happy, Yipee, Yehey.
Ang tanging tugon ni Vice ay wala raw silang natatanggap na ganu’ng offer mula sa pamunuan ng Dos.

May nakapagsabi sa amin na baka hindi raw sumang-ayon sa ganu’ng ideya ang creative at direktor ng Showtime na si Bobet Vi-danes.

Hindi rin daw kayang iwanan ni Vice ang pamilya n’ya sa Showtime kung saan s’ya nagsimula at sumikat.
Maaari lang daw mangyari ‘yon siguro kung sakaling makakasama pa rin ni Vice sa paglipat sa nasabing noontime show ang lahat ng kanyang mga itinuturing na pamilya sa Showtime.
Ganu’n pa man, sinigurado ni Vice na mahal n’ya rin at mga kaibigan n’ya rin ang mga host ng Happy, Yipee, Yehey!
IS IT TRUE na kung wala pa talagang namumuong pagti-tinginan sa pagitan nina Sarah Geronimo at sa anak ni Camarines Sur Gov. L-Rey Villafuerte na si Miguel Villafuerte ay totoo diumano na masugid na nanliligaw ang binata sa dalaga?
May narinig din kasi kami mula sa isang malapit na tao kina Sarah at Miguel na alam n’ya diumano ang tunay na nagaganap sa dalawa.

Dama namin ang saya sa common friend ng Pop Princess at ng wakeboarder enthusiast tungkol sa usap-usapan sa dalawang bagets, pero ayaw na lang magkuwento pa nito, kahit anong pilit namin.

Aware kaya ang mga magulang ni Sarah tungkol dito? Tuluyan na kaya nilang payagan ang kanilang anak ngayong magtu-22 years old na si Sarah sa July 25?
Franz 2 U
by Francis Simeon