Sarah Geronimo, pinagtsitsismisang buntis daw

ADVERTISING

Sarah Geronimo, pinagtsitsismisang buntis daw

Sarah Geronimo
Sarah Geronimo

Maraming friends ko na non-showbiz ang nagtatanong kung preggy ba si Sarah Geronimo?

Sa mga blind item kasi, parang siya ang tinutukoy na sa biglaan niyang pagbabawas ng kanyang activities at commitments na siyang pahayag naman niya recently sa isang interview ay halos tinutumbok na ang Pop Princess na siyang puntirya ng mga tsismis.

Sa isang recent interview kay Sarah during a presscon ng isang product endorsement niya, hindi man lang inurirat ng TV interviewer ang tungkol sa kumakalat na tsismis tungkol sa singer-actress.

Kaya nga kapag ganito na ang ganap sa showbiz na nagtetengang-kawali na ang mga tao sa paligid at deadma rin ang subject, nagkakaroon tuloy ng ispekulasyon ang publiko, lalo na ang netizens, tungkol sa mga bali-balita na ang tsismis ay may katotohanan.

ADVERTISING

P’wede bang mamatay ang isang kuwento lalo na sa showbiz sa usaping “buntis” kung hindi totoo?

Hayaan na lang natin na ang katotohanan ang magsasabi sa tsismis na preggy si Sarah. After two to three months ay abangan na lang natin kung magkakaroon ng pagbabago sa pangangatawan ni Sarah.

Nagtataka lang ako at tamimik ang kampo ni Matteo Guidicelli na current boyfriend ng dalaga.

‘Pag nagkataon, kawawa naman si Sarah Geronimo, dahil I’m sure left and right ang bashing sa kanya, maging ang netizens na mga pakialamero ay makikisawsaw sa isyu.

Good luck, Pop Pincess. Kung tutoo man ito, then congratulations. Nasa tamang edad na rin naman siya at long overdue na para magpakasal na siya (na naunahan nga lang, kung true ang tsika). ‘Yun nga lang, sa ipokritong lipunan natin, ‘di agad-agad na natatanggap ang mga dalaga na nabubuntis nang hindi kasal (pero kung ako ang tatanungin ay oks lang sa akin). ‘Yun nga lang, ano ang sasabihin ng mga manang ng Baclaran at Antipolo sa sitwasyong ito kung sakali? Alam ko, konserbatibo ang pamilya ni Sarah, pero maitatawid din ito ng dalaga. Keri niya ‘to.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING