Sarah Geronimo, pinaghahandaan na ang pagpapakasal kay Matteo Guidicelli sa 2017

ADVERTISING

Sarah Geronimo, pinaghahandaan na ang pagpapakasal kay Matteo Guidicelli sa 2017

Sarah Geronimo, pinaghahandaan na ang pagpapakasal kay Matteo Guidicelli sa 2017Bongga at kaya na ni Sarah Geronimo na gampanan ang role niya as “The Girlfriend” of Matteo Guidicelli.

Last week, lumipad patungong Cebu ang Pop Princess para makasama ang boyfriend sa kaarawan nito who turned 26.

Sa Cebu trip ni Sarah Geronimo, ang balitang nakarating sa amin ay going solo ang dalaga na wala si Mommy Divine on her side.

Sa kanyang solo na biyahe, sinamahan ng dalaga ang boyfriend sa paggo-go kart and at the same time ay sa paghahanda sa opening ng family restaurant nina Matteo na “Trattoria Da Gianni” na magbubukas sa darating na Wednesday, March 30.

ADVERTISING

Sa pagso-solo flight ni Sarah kamakailan at balitang nag-aaral na rin daw itong magmaneho at nagpaplano nang tumira nang solo sa isang condominium, mukhang malinaw na ang usap-usap na next big plan ng dalaga ay ang pag-aasawa na siyang pinaghahandaan na rin ng dalawa which will happen by 2017, ayon sa kuwento ng isang malapit kay Matteo Guidicelli.

Reyted K
By RK VillaCorta

ADVERTISING