Sarah Geronimo, pagkakamali lang sina Rayver Cruz at Gerald Anderson?!

ADVERTISING

Sarah Geronimo, pagkakamali lang sina Rayver Cruz at Gerald Anderson?!Sarah Geronimo, pagkakamali lang sina Rayver Cruz at Gerald Anderson?!PALASAK NA nga ang ka-sabihang ‘pag masuwerte sa career ay kabaligtaran naman ito pagdating sa pag-ibig. Take the case of our Pop Princess na si Sarah Geronimo, kabi-kabila ang kanyang malalaking proyekto sa ngayon pero kulelat ang ganda niya pagdating sa pag-ibig. Sa panayam sa kanya ng abs-cbnnews.com recently, sinabi ni Sarah na the next time she fall for love ay gusto na niya ‘yung totoong magmahal na sa kanya. And willing siyang mag-antay, ha?

Aniya, “Sabi ko nga the next time na I fall in love, sana totoo na. Sana totoo na talaga. Iyon ‘yung kahit ilang taon ako maghintay, okay lang basta totoong pagmamahal. Kahit na hindi mag-work out, kahit mag-fail, at least naramdaman ko ‘yung totoong pagmamahal, hindi lang ‘yung para lang sa mga taong nakakakita.”

ADVERTISING

Matatandaang dalawang beses nang nabigo si Sarah sa kanyang lovelife kahit na hindi man niya ito tuwirang inamin sa publiko – una kay Rayver Cruz at pangalawa kay Gerald Anderson.

Ngayon, wala naman daw hinahanap na katangian sa lalaki si Sarah. “May mga nagsasabi na kailangan may ideal man ka, may hahanapin ka. Okay rin iyon pero ang pag-ibig kasi hindi mo maipaplano iyan. Minsan ‘ayaw ko sa ganito, sa ganyan’. Hindi mo talaga masasabi kung kanino ka mai-in love.”

Pangako pa niya, ayaw na raw niyang magkamali ulit na nangyari na noon sa dalawang lalaking naging malapit sa kanya.  “Napakaimportante ang say ng mga magulang. Ayaw ko nang gawin ang mga naging pagkakamali ko in the past. Kai-langang balanse lahat, eh. Mayroon din akong sariling desisyon pero kailangan i-honor ko din ‘yung gusto ng mga magulang ko.”

ADVERTISING

Sarah Geronimo, pagkakamali lang sina Rayver Cruz at Gerald Anderson?!Deklara ni Sarah, kahit single siya ngayon, wala naman daw siyang mahihiling pa dahil masaya naman siya. “Tahimik ang buhay na walang love life. Ang sarap kayang maging single. Iyan kasi ang bagay na ayaw mong… siyempre may pagkakataon na nalulungkot ka, naiinggit ka pero at the end of the day, kailangan mong intindihin na mayroong tamang panahon para sa pag-ibig.”

Kailan     kaya makatagpo si Sarah ng true love para naman maranasan niyang ma-inspire ang kanyang puso?

 

AYAN, HA? The partial poll result for the FHM 100 Sexiest for 2013 is out. Inilathala sa fanpage ni Marian Rivera sa Facebook na may 2.5M followers ang paunang listahan sa mga nakakuha ng mataas na boto para sa taunang labanan ng kagandahan at kaseksihan. Siyempre nangunguna rito si Marian na first time nag-cover sa naturang men’s magazine last January. At halos hati ang top ten between Kapamilya and Kapuso stars, as in 5 mula sa ABS-CBN, 4 naman mula sa GMA at isang freelance: 1. Marian Rivera; 2. Angel Locsin; 3. Sam Pinto; 4. Solenn Heussaff; 5.Cristine Reyes; 6. Anne Curtis; 7. Georgina Wilson; 8. Angelica Panganiban; 9. Jessy Mendiola; 10. Ellen Adarna.

Kaya roon sa mga gusto pang mapasama sa top ten ang inyong idolo, boto na!

 

IKINASAL NA nga last week ang babaeng mahilig mag-split sa batang boyfriend nito. Ang tinutukoy namin ay si  Ruby Rose Villanueva o mas kilala sa tawag na Mystica, na masuwerte nga sigurong nagustuhan nang kanyang 23-year old boyfriend na si Kid Lopez.

Kaibigan namin si Mystica dahil nagkasama kami sa isang show dati sa Channel 13, at alam naming deep inside ay mahal nga niya itong bagets. Pero ‘di pa namin na-meet si Kid kaya wa kaming ma-comment sa kanya.

Pero sa isang interview, sinabi ni Mystica na ang boyfriend daw niya na asawa na nga niya ngayon ang pinapahawak niya ng kanyang pera. Ay may ganu’n? Kasi raw, bulagsak daw siya pagdating sa pag-budget, as in gastador, daw siya at si Kid daw ay masinop at matipid.

Naku, baka sa una lang ‘yan Mystica. Pero wish na lang namin na maging successful nga ang inyong married life.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

ADVERTISING