Sarah Geronimo, paandar lang ang kissing scene kay Piolo Pascual?

Sarah Geronimo, paandar lang ang kissing scene kay Piolo Pascual?

Sarah-GeronimoISANG MALAKING paandar lang ba ni Sarah Geronimo ang sinabi niyang gusto niyang magkaroon ng kissing scene with Piolo Pascual? Merong movie na pagsasamahan ang dalawa and this early ay gumimik na itong si Sarah by saying she wants Piolo to kiss her.

“ambisyosa ba? baka sugurin ng nanay mo si Piolo dai!,” say ng isang fan.

But with her statement ay madir ni Sarah, si Divine, ang inokray ng fans ng dalaga.

“Hahaha..that’s funny idol but I hope ur Mom agree..if ever not agree tell ur Mom I’m adult enough and it is a movie only Lol,” one guy commented.

“Cge ka sarah bantay ka sa nanay mo cgurado aqng nbbasa nya itong post,wag ka matulog ng mahmbng bka pagcng mo nmn hnd lng trimed mangyari sa bhok mo kundi todo kalbohin kna ng nnay mong super higpit!” say ng isa pang fan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas