Sarah Geronimo, no comment sa relasyong Gerald Anderson at Maja Salvador

ADVERTISING

Sarah Geronimo, no comment sa relasyong Gerald Anderson at Maja Salvador

Sarah Geronimo, no comment sa relasyong Gerald Anderson at Maja SalvadorOLA CHIKKA! Welcome na naman kayo sa aking mga tsimax to the maximum authority of chikka. Nakakaloka itong regodon ne amor ng mga young star na ito. Dati mag-BFF sina Kim Chiu at Maja Salvador, at sina Sarah Geronimo at Maja. Ngayon, nagkakalabuan sila sa isang lalaki.

Kasi nga naman, chikka na itong tatlong mga-BFF ay tinuhog ni Gerald Anderson, kaya ang bagong tawag ngayon kay Gerald ay ‘tuhog king’. Kasi ba naman, dati si Kim ang unang girlfriend ni Gerald at dahil sa bestfriend nga niya si Maja, sumbungan niya ito ‘pag may problema siya kay Gerald.

Ngayon, balitang nanliligaw daw ito kay Maja at nang tanungin si Maja, dapat daw si Gerald ang tanungin. At inamin naman ito ni Gerald nu’ng Linggo sa programang The Buzz kay Kuya Boy Abunda, na totoong nanliligaw siya kay Maja at react to death daw itong si Kim na bakit daw nangyari ang gano’n at hindi siya makapaniwala sa mga nangyayari.

Pero tanong ng marami, bakit magre-react naman daw itong si Kim, may Xian Lim na raw ito at almost 3 years na silang wala ni Gerald?

ADVERTISING

Kahit si Sarah, walang comment sa mga nangyari sa ligawan blues nina Maja and Gerald. Quiet lang siya ngayon. Pero sabi ng fans, ito raw ay malaking promo, sa nalalapit na project nina Maja at Gerald. Kasi bakit daw alam kung saan ang mga pinupuntahan nina Maja at Gerald, tulad ng Misibis Bay sa Albay, ang pagpunta sa kasal ng pinsan ni Maja na nagkita pa raw si Gerald at ang dating ex ni Maja na si Matteo Guidicelli, dahil kaibigan din daw ito ng pinsan ni Maja?

Sarah Geronimo, no comment sa relasyong Gerald Anderson at Maja SalvadorPero hindi naman nangyari ang nangyari tulad kina Coco Martin at Matteo nu’ng pinagsabay sila ni Maja na nagsuntukan, kasi matalik daw na magkaibigan itong sina Gerald at Matteo. At ang pinakahuli ay ang dinner daw sa Anix resto nu’ng Jan. 2 ng gabi.

Kaya hinala ng fans ni Kim, ito ay promong-promo ang dating. Pero kung totoo man ito, mukhang ang naka-move on sa chikkang ito ay si Sarah. Kasi wa siya talk at wa paki sa ligawang Gerald at Maja. Pero hindi naman dapat talaga p’wedeng mag-react si Sarah dahil wala namang aminan na nangyari na talagang naging sila, ‘di ba?

Hanggang ngayon hindi pa siya maka-move on kay Rayver Cruz na balitang 1 year na ring cool-off sila ni Cristine Reyes, na ngayon naman ay maraming nakakakita kina Cristine at Derek Ramsay.

Ano ba naman itong mga ito pag nagpapalit ng kanilang BF or GF, parang nagpapalit na lang ng underwear. Kaloka kayo! Kung totoo man ito, hindi dapat ito tularan ng fans na pinaglalaban ng patayan ang loveteam ng kanilang idolo, lalo na ang Kimerald na hanggang ngayon, umaasa pa ring magkakabalikan sina Gerald at Kim. Tunay ka, mabubuwang ako sa Earth!

 

PITIK-BULAG: SINO itong sexy actress na dating nagpakasal sa isang mayamang foreigner at doon na sila nanirahan sa abroad? Ang siste, nagkaanak sila ng isa at hindi nagtagal ang kanilang pagsasama kaya ang sexy actress ay natutong mabuhay mag-isa at tinutulungan ng kakilala niyang kababayan abroad.

Naimbitahan ito sa medyo malayong lugar para mag-personal appearance. Nu’ng natapos na ang show, ang sabi nito magho-hotel na lang, pero nag-offer ang nag-imbita sa kanila na roon na lang matulog sa kanila. Pinagbigyan naman ng sexy actress.

Kinabukasan, paggising ng may-ari ng bahay, wala na si Sexy Actress, tangay ang laptop, tatlong cellphone, iPod, at mga mamahaling alahas. Kaloka, matingerze na pala itong si Sexy Actress, kasi mahigpit ang pangangailangan. In short, wala ng K.

 

Ooola Chika
E-mail: tita_s2006@yahoo.com
by Tita Swarding

ADVERTISING