Sarah Geronimo, nilalagare ni Gerald Anderson!

ADVERTISING

Sarah Geronimo, nilalagare ni Gerald Anderson!

Sarah Geronimo, nilalagare ni Gerald Anderson! NAKAKA-11 SHOOTINGS DAYS na raw pala as of today ang bagong pelikulang pinagtatambalan muli nina Sarah Geronimo at Gerald Anderson after their first blockbuster movie together na Catch Me… I’m In Love early this year.

ADVERTISING

Lagare nga raw ngayon si Ge-rald mula sa taping ng kanyang teleseryeng Budoy at shooting ng pelikula nila ng Pop Princess.

Ang tsika nga sa amin, kung wala raw mga eksenang kinukunan kasama ang young actor, bumabawi raw ito ng tulog.

But in all fairness to Gerald, ‘pag kailangan na raw s’ya sa eksena, nakakapag-deliver ito kung anong klaseng acting ang hinihingi sa kanya ng kanilang direktor.

ADVERTISING

May nag-tsika naman sa amin na kahit may cut-off time minsan si Sarah, okey lang daw sa singer-actress at ina nitong si Mommy Divine na mag-extend, kahit 30 minutes.

At kung dati diumano ay nakikita raw na pinapanood ng ina ni Sarah ang mga eksena kung saan kasali ang anak n’ya, dito raw ay wala nang nakakapuna ng gano’n.

Ang alam namin ay hindi raw ito sequel ng nauna nilang pelikula. Ibang-iba raw ang istor-ya nito, ayon sa aming source.

Pero marami kaming naririnig na sana raw mag-mature na, kahit konti, ang character ni Sarah dito, kumpara sa mga nauna na n’yang pelikula.

Sa ngayon, wala pang title ang kanilang pelikula na ipapalabas yata by end of October.

Kung hindi kami nagkakamali, ang direktor nito ay ang sumulat ng unang box-office film nina Sarah at John Lloyd Cruz na A Very Special Love na si Raz dela Torre.

Nakapag-dirihe na rin ang batang direktor na si Raz ng dalawang episodes ng Maalaala Mo Kaya, sa aming pagkakaalala.

Ang pelikula ay isa na namang co-production ng Star Cinema at Viva Films.

 

LANTARAN NA NGA talaga ang relasyon nina Gab Valenciano  at  Isabel Oli, dahil nakita namin ang dalawa sa reception ng binyag ng bunsong anak na babae, na may isang buwan pa lang, nina Sherilyn Reyes at Cris Tan na si Anya Sabrina nu’ng Sabado lang ng hapon sa Greenhills kung saan pareho silang kasama sa 24 na pares ng ninong at ninang.

Mukhang masaya naman ang dalawa sa isa’t isa na kitang-kita sa kanilang mga aura, gaya ni Isabel na ang ganda-ganda ngayon.

S’yempre, ninang din ang dalawang bestfriends ni Sherilyn na sina Angelu de Leon at Carlene Aguilar na parehong buntis. Kasama nila ang kani-kanilang mga asawa at mga unang anak.

Ilan pa sa mga tumayong godparents ng napakaganda at cute na si Baby Anya Sabrina ay sina Regine Velasquez, Roderick Paulate, Lani Mercado, Carmina Villaroel, Gelli de Belen, Toni Rose Gayda, Kristine Florendo, Francine Prieto, Yayo Aguila, Ayen Laurel, at ang magkapatid na James at Phil Younghusband na parehong hindi nakarating.

 

MAKINIG NG WOW! Ang Showbiz! with Ms. F as in Fernan de Guzman, Mimi, and yours truly over at DWIZ 882 KHZ on AM band, Monday-Friday, 11 AM-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissi day, 11 AM-12 NN or log on to www.DWIZ882.com. Follow me on Twitter: @francissi meon.
Franz 2 U
by Francis Simeon

ADVERTISING