Sipat-eklat #212: Sarah Geronimo, nilait sa paggaya kay Lady Gaga!

Sipat-eklat #212: Sarah Geronimo, nilait sa paggaya kay Lady Gaga!SIPAT: OKAY lang daw kay ANGELICA PANGANIBAN ang mag-FRONTAL NUDITY basta MAY SAYSAY ang PROJECT.
EKLAT: SANA raw si DEREK RAMSAY rin, e, APRUB na mag-FULL FRONTAL, sey ng KABADINGAN.

SIPAT: BAKIT daw WALA si KRISTA RANILLO sa BIRTHDAY PARTY ni MANNY PACQUIAO?
EKLAT: NANDO’N si JINKEE, e!

SIPAT: ‘NO COMMENT!’ si ARA MINA sa MANNY-KRISTA ISSUE.
EKLAT: ANO nga naman ang PAKI niya… TAPOS na ang ISYU sa kanila ni MANNY!

SIPAT: TSUGI na ang SIS nina JANICE, CARMINA at GELLI…
EKLAT: KINABOG ng SHOWTIME, e.

SIPAT: DAPAT na rin bang KABAHAN ang WOWOWEE?
EKLAT: Mas DAPAT KABAHAN ang CO-HOSTS ni PAPI. Baka sila ang MATSUGI!

SIPAT: Uy, nagre-RATE pa rin naman ang TV SHOW ni WILLIE REVILLAME!
EKLAT: KASUNOD sa RATING ng SHOWTIME.

SIPAT: NO WAY na KABAHAN si PAPI!
EKLAT: Mas KABADO ang STAFF ng SHOW ‘pag MAINIT ang ULO ni WILLIE REVILLAME!

SIPAT: GUSTO raw ni ALFRED VARGAS ng PAGBABAGO sa PULITIKA kaya SUMABAK na siya.
EKLAT: FOR a CHANGE, ‘KAKAKILIG nga namang MAHALIKAN ng GUWAPONG KANDIDATO!

SIPAT: Sey ni MAXENE MAGALONA, e, TORPE raw si JC TIUSECO.
EKLAT: So, PAANO kayang naging MAG-ON sila?

SIPAT: BAKIT daw nag-LADY GAGA pa si SARAH GERONIMO sa PERFORMANCE niya sa ASAP ‘09?
EKLAT: NAGMUKHA lang daw ‘GAGA’ ang POP PRINCESS sa GINAWA niya!

SIPAT: HANAPIN n’yo sa YOUTUBE ang VIDEO ni SARAH…
EKLAT: SANREKWANG PANLALAIT ang TINAMO niya!

SIPAT: Blind Item: ‘Ay, ‘SENSIYA na, HINDI ako naka-CONTACT LENS kaya HINDI ko KAYO MAKIKILALA,’ sey ng MAGANDANG AKTRES nang MAKITA ang SANGKATERBANG SHOWBIZ REPORTERS. Akala niya siguro, HIHINGI ng AGINALDO sa kanya.
EKLAT: Clue: HANAPIN n’yo siya d’yan sa TABI-TABI… at GOODBYE na!

Sipat Eklat
by Papa Azzi
Pinoy Parazzi News Service