Sarah Geronimo, never daw magtu-two piece

ADVERTISING

Sarah Geronimo, never daw magtu-two piece

Sarah-GeronimoDUMATING PALA sa point na pinag-iisipang mabuti ni Sarah Geronimo if she really wants to be an actress o maging singer na lang.

“Kasi kung gusto kong maging aktres, kailangang maging fully committed ako, ‘di ba po? Kung ano ang hinihingi ng istorya,” sabi pa niya nang makausap namin sa presscon ng From The Top concert niya recently.

“Siguro, kailangan lang ng tamang panahon para maging maayos ang lahat,” dagdag pa niya.

When asked if she’s interested to play Darna sa pelikula ng Star Cinema, umiling si Sarah.

ADVERTISING

“Sorry ha, wala kasi akong sexy body, eh. Ako, personally, parang hindi. Parang hindi para sa akin ‘yun,” natatawa niyang reaksyon.

Eh, ano ba ang takot niya sa pagpo-portray bilang Darna?

“Hindi ako magtu-two piece. Never akong magtu-two piece,” diretso niyang pahayag.

“At saka, kailangan physically strong ka, ‘di ba? Saka, maraming demands ‘yun, eh. ‘Yung pagiging Darna.”

Ibig bang sabihin, hindi niya tye maging Darna?

“Hindi po. Hindi ko kaya. Hindi para sa akin ‘yun,” rason pa niya.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING