SARAH GERONIMO, NATUTO SA MASAMANG KARANASAN

ADVERTISING

SARAH GERONIMO, NATUTO SA MASAMANG KARANASANPOPSTAR PRINCESS SARAH Geronimo is now busy shoo-ting her upcoming movie titled Catch Me… I’m In Love with Gerald Anderson. Ito ang kanilang unang pagkakataon na magkasama sa isang pelikula.

The Buzz recently visited the set of their movie at dito ay nakakwentuhan ng programa si Sarah. Sinabi niyang lalo raw gumaganda ang kanilang samahan ni Gerald.

ADVERTISING

“Nabawasan na po [ang] ila-ngan. Nahahampas ko na siya. Okay na po kami. Mas kumportable kami sa isa’t isa. Ngayon lang kami nakapag-usap [ng] ganyan. Ac-tually, nagulat nga ako sa sarili ko.

Nabibiro ko siya di tulad noon na [di] ako nakakapagsalita. Talagang kino-contain ko ‘yong tension, kilig. At mas masarap sa pakiramdam,” kuwento ng singer-actress.

Kung unti-unti nang nagiging kumportable si Sarah ngayon kay Ge-rald, ‘yon naman yata ang tuluyan nang paglayo ng kanyang kalooban kay Rayver Cruz. Binagsak na ni Sarah ang bombang matagal nang hinihintay sumabog ng publiko tungkol sa totoong namagitan sa kanila ni Rayver.

ADVERTISING

Sabi ko nga, it’s just a matter of time before Sarah will detonate the explosive bomb at nang mangyari nga ito, there’s no turning back. Inamin na niya na naging sila ni Rayver, pero hindi raw naging maganda ang ending nito.

“Siyempre, ‘di po madali. Nung una po ayoko na talagang pag-usapan. Ayoko na pong mabulatlat pa kung ano [ang] nangyari. Pagpiyestahan kami, ayoko na. Pero wala eh, masyado na ka-sing masakit para hayaan ko na ang ibang tao na ganituhin ako, [ang] pamilya ko, so kailangan na rin talaga,” paliwanag niya.

Sarah decided to speak up due to Rayver and Cristine’s several interviews. Kailangan niyang depensahan ang sarili tungkol sa isyung kinasasangkutan nila.

“Kasi nagsasalita din sila. Para naman akong tanga kung ‘di ako magsasalita, ‘di ba? Meron naman akong dila. May karapatan din akong ipagtanggol [ang] sarili ko, pamilya ko.”

Gumaan naman kahit paano ang kanyang nararamdaman dahil nailabas na niya sa publiko kung ano ang kanyang tunay na saloobin. Mahirap naman kasi kung itatago lang niya sa kanyang sarili ang lahat ng sakit. She has her family and friends. Nandiyan din ang kanyang mga fans na walang sawang sumusuporta sa kanya. Hindi siya nag-iisa sa laban, ‘ika nga.

Sarah learned a valuable lesson from her painful experience. “Ang maganda du’n [ay] natuto tayo sa expe-riences natin, sa pagkakamali natin. Ginagawa tayong mas malakas na tao, wiser and stronger. Nagpapasalamat ako sa lahat ng pinagdaanan ko. Sana maintindihan din ng tao na kami ay tao lamang din,” aniya.

Ano kaya ang susunod na kaganapan sa usaping Sarah-Rayver-Cristine? Aba-ngan.

SARAH GERONIMO, NATUTO SA MASAMANG KARANASAN

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

ADVERTISING