Sarah Geronimo, nasabik mag-concert

ADVERTISING

Sarah Geronimo, nasabik mag-concert

Sarah Geronimo
Sarah Geronimo

Matagal-tagal na rin ang last concert ni Sarah Geronimo na “From the Top” sa Araneta Coliseum, December 2015 pa ‘yun, kaya sabik na ang fans na mapanood ulit siya na humahataw sa entablado.

Kaya kahit hindi major concert, todo naman ang ginagawang paghahanda ni Sarah, dahil nasabik din siyang mag-perform para sa fans sa “Sarah Geronimo: The Great Unknown Unplugged” na gaganapin sa Kia Theater, sa November 29, Tuesday, 8 p.m.

Ayon kay Sarah, he’s back to work pagkatapso ng dalawang buwan niyang bakasyon na first time niyang ginawa sa kanyang showbiz career.

“Yes, 100% back na! ‘Yung mindset ko is talagang energized, mas motivated to work even harder. Kasi dumarating din sa stage ng buhay natin na ano ba ‘yung purpose ko, bakit ko ba ito ginagawa, ano ba ‘yung kulang?

ADVERTISING

“And then I realized na you don’t work for other people to please them. ‘Yung main goal mo dapat is to share whatever you have. Kung ano ‘yung ibinigay sa ‘yo ng Panginoon, regardless kung magbunga siya nang konti or sangkatutak,” pahayag pa niya.

Sa pagkanta raw muna magpo-focus ngayon si Sarah.

“I’d like to focus more sa music ko at i-promote ‘yung mga nakaraang album ko. Hindi ko kasi talaga na-promote nang maayos. We are planning na talagang mailabas ‘yung magagandang tracks dito sa latest album ko,” sey pa ng Popstar Royalty.

Ang concert ni Sarah sa Kia ay bahagi ng promo ng kanyang “The Great Unknown Unplugged” album.

La Boka
by Leo Bukas

ADVERTISING