Sarah Geronimo, napaamin ni Kris Aquino

ADVERTISING

Sarah Geronimo, napaamin ni Kris Aquino

Sarah-GeronimoHINDI KINAYA ni Sarah Geronimo ang tanong ni Kris Aquino about Matteo Guidicelli. Napaamin siya ni Kris kung bakit magkasama sila nina Matteo, Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa isang sports events na hindi pala natuloy dahil hindi maganda ang pakiramdam ni Matteo. Tuwang-tuwa ang fans dahil kahit paano ay napaamin ni Kris si Sarah about Matteo.

“Napaka-elusive ni Sarah sa mga interviews lalo na kapag tinatanong about sa lovelife n’ya, pero ‘di sya nakatakas kay Kris Aquino ngayon,” one fan observed.

“Ang tindi ni Kris, napaamin n’ya si Sarah. Kaya pala tinatanggihan s’ya dati nito kasi ‘di siya titigilan hangga’t sa ‘di n’ya mapapaamin iniinterview nya,” say naman ng isang Kris fan.

“Pupwede ba naman syang huminde kay Kris Aquino? No choice need nya i-promote yung movie,” sabi naman ng isa pa.

ADVERTISING

Naimbiyerna naman ang isang fan dahil kasama ni Sarah ang daddy niya sa date nila ni Matteo.

“Jusko ang tanda na nya para samahan pa sya ng tatay nya. It only shows na they dont trust her!” tili ng isang fan.

“ang tanda na ni sarah para kasama pa ang dad nya. pakiusap para sa parents ni sarah: please po, napaka-responsable ni sarah, mabait at masipag na anak, pwede po bang bigyan nyo naman siya ng kalayaan na i-enjoy ang sarili nya na wala kayo o isa sa inyo na aali-aligid sa tabi-tabi na parang nag-aalaga ng isang batang paslit? konting freedom lang naman po ang hinihiling galing sa inyo. sana maunawaan nyo naman po,” say ng Sarah fan.

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

ADVERTISING