Sarah Geronimo, nakaplano na ang pagpapakasal

Sarah-GeronimoBONGGA, MAY timing na kung kailan ikakasal si Sarah Geronimo. Sa interview ni Kris Aquino sa Pop Princess sa Kris TV last Wednesday, kung saan nag-promote sila ni Piolo Pascual ng kanilang pelikula na The Breakup Playlist, sinabi ni Sarah who is turning 27 this year, may five years pa siya bago mag-decide magpakasal and siguro ‘pag nasa edad 31-32 years old bago siya lumagay sa tahimik.

“Tulad ni Ate Juday (Judy Ann Santos) na naka-plan ang pag-aasawa niya,” kuwento ng dalaga. Peg ng dalaga si Juday lalo pa’t sa pagpapalano ng personal life niya at career.

Maging ang pagla-lie low sa kanyang career if ever na magkaanak na siya at magiging plain housewife ang priority niya at ina ng magiging anak nila, role model ng dalaga ang aktres na swak naman para sa mga nagpaplanomh mag-asawa, lalo pa’t mga career-oriented din sila.

Reyted K
By RK VillaCorta

Previous articleAngel Locsin, hindi nagpapaka-ipkorita
Next articlePinoy Parazzi Vol 8 Issue 82 July 03 – 05, 2015

No posts to display