Sarah Geronimo, naikukumpara kay Maegan Aguilar sa pagiging mabuting anak

ADVERTISING

Sarah Geronimo, naikukumpara kay Maegan Aguilar sa pagiging mabuting anak

2 Sarah-GeronimoLALONG NAGING kapuri-puri ang pagiging mabait na anak ni Sarah Geronimo, dahil naikukumpara siya ngayon sa pagiging walang respeto ni Maegan Aguilar sa kanyang tatay na si Ka Freddie Aguilar. Laging usap-usapan sa showbiz na hinihigpitan si Sarah ng kanyang mga magulang tungkol sa kanyang lovelife kahit hindi na siya bagets. Pero kahit iniiyakan ni SG ang mga ganu’ng sigalot nila ng kanyang pamilya ay hindi siya lumalaban sa kanyang mga magulang.

Malayo na ang narating ng kasikatan ni Sarah, pero hanggang ngayon, sa kasimplehan niya bilang anak ay hindi pa rin siya basta-basta nagdedesisyon ng para lang sa kanyang sarili. Bagkus, ikinukunsulta pa rin niya sa kanyang mommy’t daddy ang kanyang mga gagawin. Kabaligtaran ni Maegan, na sobrang astig magdala ng kanyang personality, kaya ngayon, sa simpleng away-pampamilya ay winalang-respeto niya ang kanyang ama.

May good karma naman talaga ang mga anak na nasa showbiz na may respeto sa kanilang mga magulang, ‘tulad nina Sarah Geronimo, John Lloyd Cruz, Judy Ann Santos, Luis Manzano, Anne Curtis at Bea Alonzo dahil sa kabila ng kanilang kasikatan ay hindi nila nakakalimutan ang kanilang pamilya. ‘Tulad ni Ka Freddie, bilang singer ay mahusay si Maegan.  Kaya lang, ang karma ni Maegan ay hirap na hirap siyang mapasikat ang kanyang sarili para magmarka sa showbiz ang kanyang pangalan.

ChorBA!
by Melchor Bautista

ADVERTISING
ADVERTISING