Sarah Geronimo, nagrerebelde na sa ina?!

TILA NAGRERE-BELDE na raw ngayon si Sarah Geronimo sa kanyang madir na si Mommy Divine.

Somebody whispered to us that she now has the guts to oppose her mom’s wishes.

Minsan daw kasing nagtalo ang mag-ina. Ang gusto raw kasi ng madir ni Sarah ay hindi taga-showbiz ang kanyang mahalin para walang intriga o kung meron man ay hindi masyadong maintriga.

Bigla raw sumagot si Sarah na ‘wag na siyang pakialaman sa kanyang love life dahil she’s already 23.

Medyo na-shock nga raw si Mommy Divine dahil first time daw niyang narinig na kinontra ang kanyang gusto ng kanyang anak.

Ang alam daw ni Mommy Divine ay nanliligaw pa lang si Gerald Anderson kay Sarah. Ang hindi niya alam ay magdyowa na ang dalawa. Hindi na raw pinaalam ni Sarah ang tunay niyang relasyon dahil alam niyang kahit papaano ay pipigilan siya nito dahil ayaw pa niyang magka-boyfriend talaga ang dalaga.

HINDI PA sure si Derek Ramsay kung lilipat siya sa Singko o mananatiling Kapamilya.

“I love this network (ABS-CBN),” sabi ng binata na bida sa Corazon, Ang Unang Aswang, kung saan kasama niya si Erich Gonzales. Pero sinabi niyang meron din namang “disappointing times”.

“‘Yun ‘yung wine-weigh namin. Let’s see where my future will go, what’s best for me. Tumatanda na rin ako. Lahat ‘yun pinag-uusapan namin. I can’t make a decision right now. We will weigh all of this,” esplika niya.

Aminado si Derek na nakipag-meeting ang pamilya niya kay Gabby Lopez.

“The first thing we laid on the table is that it’s not about money. This is definitely not about money and I’ve proven that. I don’t know how things will work.”

Aminado naman si Derek na malaki ang utang na loob niya sa Dos.

“A big deal of my career is Judy Ann Santos and this network. They both made me who I am now.” Noong 2009 naging leading man si Derek ni Juday sa teleseryeng Ysabella. Doon nagsimula ang kanyang television career.

“I’ve always been open for that,” tugon ni Derek sa posibilidad ng paglipat niya sa ibang network.

“I’m open this year for career changes.”

BLIND ITEM: May nangyari palang eksena sa isang taping na kinabibilangan ng tatlong aktres.

Magkakaeksena ang tatlo at habang hindi pa nagte-take ay kanya-kanya silang ayos ng kanilang damit. Isang okasyon kasi ang kukunan.

Isang beteranang aktres ang pumunta sa isang table at gusto niyang makiupo. Sabi ng isang aktres ay taken na raw ang seat dahil doon uupo ang isa pang veteran actress.

Nang tapos na ang eksena ay lumapit ang much younger actress sa beteranang aktres at pinuri ang damit nito. Sabi pa ng hitad, saan daw hiniram ng aktres ang kanyang suot.

Hindi na nakapagtimpi ang beteranang aktres at umastang sasampalin ang kapwa niya aktres. Mabuti na lang at may distansiya sa kanila kaya hindi inabot ang pisngi nito.

Naloka ang mga tao sa set. Umawat naman ang isa pang beteranang aktres.

 
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Previous articleDahil daw sa BF na may-edad na bossing sa Dos Maricar Reyes, parang nakasandal sa pader!
Next articleHelen Gamboa, binastos ng isang talent na Kano!

No posts to display