Sarah Geronimo, naging syota ni Rayver Cruz

Sarah Geronimo, naging syota ni Rayver CruzSarah Geronimo, naging syota ni Rayver CruzHINDI RAW KAILANGAN ng boyfriend ni Sarah Geronimo sa ngayon. Well, baka nga dahil super busy siya.

But we were told na nagka-boyfriend na siya. For more than a month ay  naging dyowa raw ni Sarah si Rayver Cruz. Yes, si Papa Rayver na hate na hate ngayon ng fans ng Pop Star dahil pinararatangan nilang ginagamit ang kanilang iniidolo para mapag-usapan. Ang claim kasi ng tagahanga ng dalaga, user si Rayver. Naimbiyerna kasi sila nang mabalitang nakikipagmabutihan ang binata kay Melissa Ricks. Kung anu-anong tsismis ang kumalat, kesyo dinadalaw ng binata si Melissa sa kanyang condo, kesyo nagde-date sila sa isang bar. None of these are true, but of course.

Unang-una kasi, hindi type ni Rayver si Melissa. Friend lang ang turing niya rito, isang barkada. No more, no less.

And Melissa naman is very in love with her ka-love team, Matt Evans. Ang kaso, hindi naman siya feel ng binata.

Well, going back to Sarah, naging mag-on sila ni Rayver bago siya nagpunta sa US for a series of shows.     Hindi naman nagtagal ang kanilang love affair dahil nabuking din sila.

Actually, sa cellphone at sa chat lang sila nagkakaroon ng communication. Hindi kasi sila puwedeng umamin na magdyowa na, bawal, bawal na bawal.  Lalong hindi rin puwedeng lumabas ang dalawa na magkasama. Strict ang parents ni Sarah, no!

With this, very limited ang kanilang communication. At Hi! and Hello! lang ang kanilang drama ‘pag nagkikita sa ASAP.

Until, nabuking nga raw sila. Ang naka-discover daw ng kanilang romance ay ang mismong fadir ni Sarah.

Paano nangyari? Well, nabuko raw ng dad ng dalaga kung sino ang kausap ni Sarah kahit na madaling-araw. Cry me a river nga raw ang drama ng Pop Star. Wala naman siyang magawa dahil ayaw naman niyang suwayin ang kagustuhan ng kanyang father dear.

To recall, hindi ba si Sarah ang unang umaming may crush siya kay Rayver? Bakit ngayon, parang hindi ito naaalala ng fans ng dalaga?

Bilang gentlemanly gesture, binigyan ni Rayver ng dalawang dosenang roses si Sarah habang nasa dressing room ang Pop Star noong concert nito sa Araneta Coliseum.

In her latest interview, parang sinabi ni Sarah na she’s not ready to fall in love and to have a relationship. Pero, ang totoo, kung siya lang ang masusunod, feeling namin ay gusto na rin niyang magka-boyfriend. May humahadlang lang, ang kanyang so very strict na parents.

I’m sure, itatanggi ni Sarah ang issue na ito. Wanna bet?

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas