Sarah Geronimo, nagiging palaban na

ADVERTISING

Sarah Geronimo, nagiging palaban na

Sarah Geronimo, nagiging palaban naSA TRAILER pa lang ng romantic-comedy movie na It Takes A Man A Woman nina John Lloyd Cruz at Sarah Geronimo, nakakakilig ang bawat eksena ng dalawa.

Say ni Direk Cathy Garcia-Molina, “It’s a different kind of love, much higher than the kilig-kilig kind of love. Nakabuti na nagkahiwalay sila ng apat na taon and they grew apart, grew as a person. Hindi ako nahirapan, because exactly what the character went through. They’ve gone through to their personal life. ‘Yung tungkol sa kilig, may magic talaga ang ngiti ni Sarah. I always tell her. She has that magical smile kaya napapangiti niya si Lloydie.”

Nasa cast din ang model-host na si Isabelle Daza, who will play the socialite girlfriend of Lloydie. Excited ang dalagang anak ni Gloria Diaz nang malaman nitong sina John Lloyd at Sarah ang makakasama niya sa movie.

“It’s my first movie and I’m so happy. I was presented other project pero I wasn’t to sure about it. Tapos, when I was offer this, working with Sarah, John Lloyd and Direk Cathy. I couldn’t believe. The first thing I said, why me? ‘Yun ang unang tinanong ko, ‘yun and I’m so happy. I really hope that I met the expectations Direk Cathy had for us,” she said.

ADVERTISING

Inamin ni Isabelle na fan siya ng John Lloyd-Sarah loveteam. “Kinikilig ako sa kanila. I’m supposed to be the girlfriend of Lloydie. When their together they have the chemistry that cannot be define, touchable and very special. John Lloyd is a gentleman, maalaga, that’s what I see him. I understand why girls fall in love with him.”

For the first time, naging bolder, braver and fiercer si Sarah sa movie nila ni Lloydie. Nag-uumpisa na ngang mag-mature ang dalaga, nasa working progress na raw siya kaya lalong ikinatuwa ito ng media. “Nakatulong ‘yung nagkaroon ng interval, nag-grow kami apart kaya hindi masyadong naging mahirap mag-portray ng character namin. Although, may mga times na nahirapan rin ako kasi, nalilito si Sarah at Laida (role) halos magkapareho kasi kami. Maraming pinagdaanan si Sarah, pero ‘yun nga, hindi ako nahirapan sa pagiging braver, huwag lang sosobra. Nand’yan ang director ko, huwag daw akong palaging galit, at saka ‘yung maturity niya, perception niya sa pag-ibig, ang dami kong natutunan dito sa pagpo-portray ko.”

Sa pagbabalik tambalan nina Lloydie at Sarah, mas lalong nakilala nila ang isa’t isa. Lumalim ang kanilang friendship. Na-ging open sila sa mga personal nilang buhay. “Happy si John Lloyd, nadadala niya ‘yun sa set. Maganda ‘yung friendship namin. Sobrang kumportable kami ngayon sa isa’t isa. Malaki ang naitulong nitong movie sa aming dalawa. May pagkakahawig kasi ‘yung cha-racter namin sa totoong buhay.”

What would it take for a woman like Sarah to fall in love again? “Hindi ko agad masasabi ‘yan. Sabi nga ni Lloydie, you don’t get to choose love. Love chooses you. Hindi mo madi-dictate ang puso kung sino ang dapat mahalin. Lagi kong sinasabi kay Lloydie, sa kanya ko lang naramdaman ‘yung be yourself. Wala akong pakialam kahit mabaho pa ang hininga mo sa eksena natin, ganu’n siyang leading man. Mako-concious ka sa mga mata niya, pero hindi ka mahihiyang magkuwento sa kanya. Puwede kang umutot sa harap niya, ganu’n kaya siya naging special sa akin. Alam naman ninyo, bata pa ako madaling nai-in love. Naiintindihan ko kung bakit nai-in love sa kanya ang mga girls,” paliwanag ni singer-actress.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING