Sarah Geronimo, naghihintay sa marriage proposal ni Matteo Guidicelli

ADVERTISING

Sarah Geronimo, naghihintay sa marriage proposal ni Matteo Guidicelli

Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli
Sarah Geronimo and Matteo Guidicelli

Sinagot na ni Sarah Geronimo na hindi siya buntis sa boyfriend niyang si Matteo Guidicelli. May balita  kasing nagli-live-in na raw ang dalawa, engaged na at malapit nang ikasal. Palibhasa madalas napagkikitang magkasama sa lakaran sina Sarah (without chaperon) at Matteo, kaya kung anu-anong issue ang lumalabas na wala naman daw katotohanan.

ADVERTISING

Wish ni Sarah Geronimo na mauna muna ang engagement, bago siya mabuntis. Ibig kayang sabihin ng Pop Princess, hinihintay lang niyang mag-propose si Matteo at agad-agad niyang tatanggapin ang proposal ng actor para maging kabiyak niya nito. Sa takbo ng kanilang relationship, habang tumatagal, lalong lumalalim ang pagmamahal nila sa isa’t isa. May tsika nga, may sariling condo unit si Sarah, nag-i-stay siya rito kapag gusto niyang mapag-isa.

Sabi nga ni Sarah, sana raw early 30’s, late na ang 32 para mag-asawa siya. Sa status ng Pop Princess (29 years old this year) puwede na siyang mag-asawa dahil nasa tamang edad na siya. Naging mabuting anak sa kanyang mga magulang. Natulungan ang pamilya para guminhawa at mapag-aral ang mga kapatid sa exclusive school here and abroad. It’s about time na sarili naman niya ang pag-ukulan ng pansin para lumigaya naman siya sa lalaking mahal niya. Magkaroon ng sariling pamilya at mga anak.

Sa side ni Matteo, magiliw ang parents at pamilya ng actor kay Sarah, tanggap nila ang actress. Kalian lang, lumipad patungong Cebu City ang dalaga kasama ang kaibigan para sa birthday ni Matteo Guidicelli. The following day, balik Manila na agad si Sarah G.

ADVERTISING

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

ADVERTISING